Riding in Tandem, Patay sa Engkwentro

AGAD NA napatay ng mga rumespondeng pulis ang isa sa dalawang lalaki na responsable sa pag-karnap sa isang motorsiklo sa Brgy. Tabang, Plaridel, Bulacan sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na ipinadala ni P/ Supt. Berto Ocon kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., agad na binawian ng buhay ang hindi nakilalang suspek na armado ng caliber .38 na baril, na tinatayang nasa edad 39 anyos, kung saan nabawi mula sa suspek ang isang Mio Sporty na may plakang RO-8481 na pag-aari ng biktimang si Sheldon Veron Y Delemos, 42, anyos ng Brgy. Sto. Nino, Plaridel.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Allen Lopez at PO1 Bart Ramos, dakong alas-10:35 ng gabi ng Enero 24 nang agawin sa biktima ang kanyang motorsiklo ng riding in tandem na agad namang nakahingi ng tulong sa mga tanod at pulis dahilan upang maglunsad ng checkpoint sa buong bayan ng plaridel.

Nabatid na nasukol ang mga suspek sa Brgy. San Jose sa nabanggit na bayan ilang metro lamang ang layo patungo sa bayan ng Balagtas ng  maharang ang mga suspek subalit hindi tumigil sa nabanggit na checkpoint na hudyat para tugisin ito ng mga pulis, kung saan agad na inunahan ng putok ang mga humabol na pulis na gumanti na rin ng putok bandang alas-12:05 ng madaling-araw.

Samantala mabilis namang nakatakas ang kasamahan nito na lulan ng isang Baja Motorcycle na walang plaka.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.