Riding-in-tandem, nanlaban sa mga pulis; patay

NASAWI ANG dalawang riding-in-tandem matapos na makipagpalitan ng putok ng baril sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa bahagi ng Lacson Avenue sa Lungsod ng Maynila kahapon ng madaling-araw.

Sinabi ng hepe ng Sampaloc Station na si P/Supt. Rolando Balasabas na sinita ng kanyang mga tauhan ang dalawang suspek dahil naka-bonnet ang mukha at walang plaka ang gamit na motorsiklo.

Ngunit imbes na huminto ay nakipagbarilan umano ang mga ito sa mga alagad ng batas.

Nakuha naman sa dalawang salarin ang isang kalibre .38 na baril at isang fragmentation grenade.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.