Riding-in-tandem na holdaper, timbog

CAMP GEN. ALEJO Santos, Bulacan – Arestado ang dalawang lalaki, makaraang masabat ng mga awtoridad  sa bayan ng  Marilao kamakalawa ng hapon matapos mambiktima ng isang factory worker sa  Brgy. Lias sa bayang ito.

Sa ulat ni PCR P/Supt. Gerry Andaya kay PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina  Raffy Go, 25 anyos, binata isang vendor ng Alabang, Muntinlupa City; at Mico Salonga, 22 anyos, ng Sulok St., Brgy. Saluysoy, Meycauayan City; samantalang ang bitkma naman ay nakilalang si Tho-mas Mirasol, Jr., 25 anyos, ng Blk-12, Lot 4, Northville 4-A, Lambakin, Marilao.

Base sa inisyal na imbes-tigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-4 ng hapon nang holdapin ng mga suspek ang biktima,kung saan natangay ng mga suspek ang pera at personal na gamit ng binata.

Nabatid na papauwi na ng bahay ang biktima, nang bigla na lamang siyang harangin ng mga suspek habang lulan ng motorsiklo at kapwa armado ng maikling kalibre ng baril.

Bunsod nito, agad na nag-report sa mga nagrorondang barangay tanod ang biktima, kung saan itinuro nito ang direksyon ng motorsiklo na may plakang XQ-2078, na kinalululanan ng dalawang holdaper.

Nagkataong may nagrorondang pulis sa lugar na agad namang rumesponde sa holdapan, na naging dahilan ng pagkakadakip sa mga suspek, at pagkakakumpiska ng isang cal .357, at cal .22 at mga bala ng baril.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.