Riding-In-Tandem na Holdaper, Patay sa mga Pulis

PATAY ANG dalawang hinihinalang holdaper sakay ng isang motorsiklo nang makipagbarilan ang mga ito sa mga pulis makaraang mambiktima kamakalawa ng gabi sa Caloocan City .

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga suspek na tinatayang nasa 32-35 ang edad, 5’4-5’6 ang taas, nakasuot ng maong pants, puting T-shirt, pulang jacket, at isa pa na nakasuot ng blue at itim na jacket, maong pants, 5’5-5’7 ang taas at nasa 25-30 ang edad.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng gabi, nang maganap ang insidente sa Evangelist St., Tirad Pass, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Naglalakad pauwi sina Teresita Rimas, 46; at Catherine Pragas, 29, sa naturang lugar nang harangin sila ng mga suspek lulan ng motorsiklo na walang plaka, sabay deklara ng holdap.

At nang makuha ang kanilang pakay ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek habang agad namang humingi ng tulong ang mga biktima sa pinakamalapit na presinto upang ipagbigay-alam ang nasabing insidente.

Agad na nagsagawa ng dragnet operation ang mga pulis sa pangunguna ni PCI Rodrigo Soriano at PSI Gaylord Tamayo, at ‘di nagtagal ay mamataan ng mga ito ang mga suspek sa kahabaan ng 9th Ave., P. Sevilla at C. Cordero St., ng naturang lungsod.

Dito, sinita ng mga pulis ang mga suspek subalit bigla na lamang nagpaputok ang mga ito dahilan upang gumanti ang mga awtoridad, na naging dahilan ng agarang pagkamatay ng mga una.

(MARY H. SAPICO/ ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.