Riding In Tandem, Arestado

 

DALAWANG KALALAKIHAN na riding in tandem ang naaresto sa isinagawang “Oplan Sita” ng mga elemento ng Malabon City Police kung saan nakum-piska sa mga suspek ang tig-isang baril at ilang piraso ng Shabu kamakalawa ng hapon sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ni Malabon City Chief of Police Senior Supt. Ferdinand Ampil ang dalawang suspek na sina Nomer Portugal, alyas “Nomer”, 25, binata, walang hanapbuhay at residente ng Rizal Ave., Brgy. Tanong, Malabon City; at Ryan Ahit, 20, binata ng Orchids St., Acacia Compound. Putatan, Muntinlupa City.

Ayon kay Sr. Supt. Ampil, bandang alas-3:45 ng hapon nang maaresto ang mga nabanggit na suspek sa kahabaan ng Rizal Ave., kanto ng Leonio St., Brgy. Tanong.

Nabatid, kasalukuyang nagsasagawa ng Oplan Sita sina SPO1 Norberto Reyes at PO2 Raymark Bautista na pawang nakatalaga sa Police Community Precint (PCP) 6 ng Malabon PNP sa naturang lugar.

Dito ay namataan ng dalawang nasabing pulis ang mga nasabing suspek na parehong nakasakay sa isang Yamaha Nuovo Z na kulay asul at may plakang PC-3767.

Dahil sa kahina-hinala ang ikinikilos ng mga suspek ay kaagad silang pinahinto nina SPO1 Reyes at PO2 Bautista at sa puntong ito ay napansin sa suspek na si Portugal ang isang kalibre .45 baril na nakasukbit sa kanyang baywang.

Tinangka umano ni Ahit na bunutin ang kanyang dalang kalibre .38 baril subalit agad naman itong naagaw ni SPO1 Reyes at nang kapkapan naman ni PO2 Bautista si Portugal ay nakuha rito ang limang (5) piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang Shabu.

Ang dalawang suspek ay nakapiit ngayon sa detention cell ng nasabing himpilan ng pulisya at inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito.

(ROMAN MAGPOC)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.