Rider, Todas sa Taxi at Van

TODAS ANG isang rider matapos masagi ng taxi ang manibela at masalpok ng van sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Manila Central University Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Roberto San Pedro, 44 ng Guido 2, Maypajo ng lungsod.

Sumuko naman sa mga pulis sina Romulo Padios, 52, driver ng taxi (TYJ-819) ng Shell House, Kaunlaran Village, Caloocan City; at Uldarico Alcantara, 40, driver ng Isuzu Van (XCK-793) ng Galas, Balagtas, Bulacan.

Sa imbestigasyon ni PO2 Reynaldo Gabriel, alas-7:30 ng gabi, binabagtas ng biktima dala ang Suzuki Motorcycle sa C-3 road ng lungsod nang masagi ng taxi ni Padios.

Napunta sa kaliwang bahagi ng kalsada ang biktima na nabundol naman ng paparating na van ni Alcantara.

Nabuwal ang biktima na nagulungan pa ng gulong ng van na naging dahilan upang dalhin sa MCU habang sumuko sa mga pulis ang dalawang driver.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.