Rider, Todas sa Hit and Run

PATAY ANG rider habang kritikal ang angkas nang makasagian ng jeep na tumakas sa Caloocan City kamakalawa ng madaling-araw.

Dead on arrival sa Jose Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Ariel Nathaniel Galaraga, 21, ng Mustang St., Camarin ng lungsod habang ginagamot naman sanhi rin ng mga pinsala sa ulo at katawan si Trebor Micua, 21, ng Sitio Matarik, Camarin ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang driver ng jeep (TWG-407).

Batay sa ulat, alas-4 ng madaling-araw, dala ng nasawi ang Honda Wave habang angkas si Micua at pagsapit sa Zapote Road, Camarin ng lungsod, nakasagian ang kasalubong na jeep ng suspek.

Tumilapon ang mga biktima na naging dahilan upang dalhin sa JRMH, kung saan tumakas ang suspek dala ang minamanehong jeep.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.