Rider, Sabog ang Bungo sa Truck

PATAY ANG isang 51-anyos na motorcycle rider nang masagi ng nakasabay na 10-wheeler truck habang binabaybay ang kahabaan ng Quirino Highway at Pedro Gil St., Paco, Maynila kamakailan.

Kinilala sa pamamagitan ng kanyang identification card at lisensiya ang biktima na si Noel Floretes, ng C-7, Lot 14 Area C, Dasmariñas City, Cavite.

Base sa report ng Manila Traffic Bureau, dakong alas-10:00 ng umaga nang mangyari ang insidente  sa south-bound ng Quirino highway habang ang biktima na nagmamaneho ng itim na motorsiklo na Rusi (TL 1532) at pagdating sa kanto ng P. Gil St. ay masagi  ng truck (TVJ 798) dahilan para mabuwal ang motor¬siklo nito at magulungan pa ng truck ang kanyang ulo.

Nabiyak umano ang helmet ni Floretes at nakitang nakakalat na ang utak sa kalsada.

Samantala, inabandona naman ng driver ang minamanehong 10-wheeler truck dahil sa takot na kuyugin at naiwan lamang ang dalawang pahinante.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.