Rider, pisak sa truck

TODAS ANG isang lala-king rider nang pumailalim sa cargo truck na nawalan ng preno habang ang una ay nakahinto dala ang motorsiklo sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Rolando Calopez, 38, ng Ilang-Ilang St., Bangcal, Meycauayan, Bulacan.

Nakakulong naman at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at multiple damage to property si Manuel Besona, 56, ng Iba, Meycauayan, Bulacan at driver ng cargo truck (CBK-102).

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi, kasamang inabutan ng red light ang biktima sakay ng motorsiklo sa MacArthur Highway, Dalandanan ng lungsod kung saan paparating sa likod ang truck ng suspek na nawalang ng preno.

Sinuyod ng truck ng suspek ang mga nakahintong sasakyan kasama ang motorsiklo ng biktima kung saan pumailalim sa truck ang huli na naging dahilang upang magulungan at mamatay.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.