Rider, Pisak Ang Ulo Sa Hit And Run

NASAWI ANG isang motorcycle rider matapos masagasaan ng dump truck sa boundary ng Barangay Libis Quezon City at Marikina kahapon ng madaling-araw.

Lumalabas sa im-bestigasyon, binabagtas ng biktimang si Toto Elnedo ang kahabaan ng Camp Atienza nang mabangga ng truck ang likuran ng kanyang motor.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang motorista at tumama ang ulo nito sa pader.

Hindi nakasuot ng helmet ang biktima kaya napisak ang ulo nito.

Mabilis namang tumakas ang driver ng dump truck matapos ang aksidente pero ngayon ay tinutugis na ng mga kinauukulan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.