Rider, Patay sa Pagsemplang

PATAY ANG isang binatil-yo matapos sumemplang ang dalang motorsiklo nang sumabit sa bangketa sa Malabon City kamakalawa ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Rommel Abisan, 16 ng Arasity, Tinajeros ng lungsod.

Base sa ulat, ala-1 ng umaga, galing sa pakikipag-inuman ang biktima at habang sakay ng Kymco Motorcycle (4608-OE) sa M. H. Del Pilar ay sumayad ang gulong sa bangketa na naging dahilan upang mawalan ng kontrol at sumemplang nang ilang metro. Dahilan ng maagang kamatayan ni Abisan.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.