Rider, Patay sa Pagsalpok sa Taxi; 3 pa Sugatan

PATAY ANG isang binata habang sugatan ang tatlo kabilang ang driver ng sinalpok ng una makaraang mawalan ngkcontrol ang nasawi nang mag-overtake sa isang dyip sa Malabon City kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Manila Central University hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Hilbert Valdez, 20 ng Capalad St., Marulas, Valenzuela City .

Ginagamot din sa MCU sanhi ng mga sugat at galos sa katawan sina Gerwel Aquino, 21, ng Concepcion St., Marulas; at Rene Cioco, 21, ng Dizon st., Tinajeros, Malabon City .

Nasa presinto naman matapos magamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng sugat sa katawan si Rodolfo Ocer, 55, ng Phase 1, North Bay Boulevard South, Navotas.

Sa ulat, alas-3:30 ng umaga, dala ng nasawi ang motorsiklo habang angkas ang dalawang sugatan at pagsapit sa Gov. Pascual Avenue , Acacia ng lungsod nang mag-overtake sa dyip si Valdez .

Nasakop ng nasawi ang kabilang linya kung saan dumaraan ang minamanehong taxi ni Ocer na naging dahilan ng salpukan.

Tumalsik ang mga naka-motorsiklo na na-ging dahilan upang dalhin sa MCU.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.