Rider, Patay sa Nakabanggaang Kotse

 

TODAS ANG isang binatang naka-motorsiklo ma-tapos makabanggaan ang kasalubong na kotse sa Valenzuela City, Martes ng madaling-araw, Marso 20.

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Ronnie De Guzman, 21, ng Quirino Highway, Novaliches, Quezon City.

Sumuko naman si Marilen Santiago, 39, ng Deparo, Caloocan City .

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling-araw, mag-o-overtake ang biktima sakay ng Honda XRM (IB-8309) sa sinusundang sasakyan sa General T. De Leon St., ng lungsod at nasakop ang kabilang linya.

Hindi na naiwasan ng kasalubong na si Santiago dala ang KIA Rio (PRQ-440) na naging dahilan upang magkabanggaan.

Sa lakas ng salpukan ay tumilapon ang biktima at bumagsak sa sementadong kalsada na naging dahilan ng pagkamatay.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.