Rider, Patay sa Grupo

PATAY ANG isang binata matapos harangin at saksakin ng isa sa hindi pa kilalang mga lalaki habang ang una ay sakay ng motorsiklo sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib at bugbog sa katawan si Jay-Ar Dumayag, 20, ng Langaray St., ng lungsod.

Base sa ulat, alas-8:20 ng gabi, dala ng biktima ang motorsiklo at pagsapit sa Langaray St., ay hinarang ng hindi pa kilalang mga suspek bago binugbog.

Bago magsitakas ay isa ang sumaksak sa biktima na naging dahilan upang dalhin sa PDMMMC.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.