Rider, Patay; Angkas, Kritikal sa Dumptruck

PATAY ANG isang rider habang kritikal ang angkas nito matapos makabangga ang dumptruck sa intersection sa Caloocan City kahapon ng mada-ling-araw.

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Celso Ramos, 25, ng Villanueva St., Pasay City.

Inoobserbahan naman sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi rin ng pinsala sa ulo at katawan ang angkas na si Christopher Toneres, 21, at kalugar ng nasawi.

Sumuko naman sa mga pulis si Manuel Liwanag, 51, ng San Miguel, Bulacan, at driver ng dump truck (RJF-678).

Sa ulat, alas-12:15 ng madaling-araw, binabagtas ng mga biktima sakay ng Kawasaki (9562-HX) ang Rizal Avenue Ext., at pagsapit sa kanto ng 7th Avenue ay nakabangaan ang dalang dump truck ng suspek.

Tumilapon ang mga biktima at napuruhan ang nasawi habang dinala naman sa PDMMMC ang angkas.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.