Rider ng Motor, Laglag sa Spillway

ISANG MOTORCYCLE rider ang nahulog sa spillway sa Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal kahapon ng madaling-araw.

Sinabi ni Superintendent Donato Bait, hepe ng Rodriguez Police, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng biktima dahil tanging ang motorsiklo na lang nito ang natagpuan sa lugar.

Hinala ng mga kinauukulan, lasing ang motor rider kaya nawalan ng balanse at nahulog sa spillway.

Patuloy naman ang search and rescue operation ng pulisya. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.