Rider, lasog sa 10-wheeler truck

PATAY ANG isang motorcycle rider habang sugatan ang angkas nito matapos pumailalim sa 10-wheeler truck sa bahagi ng Taguig City kahapon.

Nagkalasug-lasog ang katawan ng biktimang si Gerald Balingasa habang nawalan naman ng malay ang sakay nitong si Hornelio Tangquiao.

Ayon sa pahayag ng truck driver, biglang sumemplang ang motor sa harapan ng minamaneho nito kaya niya ito nasagasaan.

Kusang loob na sumuko sa mga awtoridad ang naturang truck driver.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.