Rider, kritikal sa FX

KRITIKAL ANG KELOT matapos sumalpok ang dalang motorsiklo sa papalikong FX sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Ginagamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Ariel Belen, 33 ng DM Compd., Caloocan City.

Dinala naman sa presinto si Manuel Jacob, 45, ng Kamagong St., Maysan, Valenzuela City.

Base sa ulat, alas-9 ng umaga, binabagtas ni Jacob ang Mac Arthur highway, Karuhatan ng lungsod dala ang Toyota FX (CNZ-680) nang biglang lumiko pakanan.

Nakasunod naman ang biktima na dala ang Honda (OY-8871) at hindi na naiwasan ang FX na naging dahilan upang sumalpok.

Agad na dinala ang biktima sa VGH habang dinala ng mga pulis si Jacob upang imbestigahan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.