Rider, durog ang bungo sa poste ng LRT

AGARANG KAMATAYAN ANG sinapit ng isang 25-anyos na lalaki matapos bumangga sa poste ng Light Rail Transit (LRT) ang sinasakyan nitong motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng pagkabasag ng kanyang bungo ang biktimang si Romel Castillo, 25, ng # 2022 Tinagan St., cor. Mauban St., Quezon City.

Base sa imbestigasyon ni P02 Marlo Quiambao, may hawak ng kaso, dakong alas-3:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Rizal Avenue Ext. partikular sa harap ng Honda Triumph Marketing, Caloocan City.

Lumalabas sa pagsisiyasat ni PO2 Quiambao, matuling tinatahak ng biktima lulan ng kanyang Rusi (8960-OD) ang nasabing lugar nang bigla na lamang sumalpok sa poste ng LRT ang minamaneho nitong motorsiklo.

Tumilapon ang biktima sa motorsiklo at tumama ang ulo nito sa konkretong poste ng LRT dahilan upang mabasag ang kanyang bungo na nagresulta sa agarang kamatayan ni Castillo.

Kaugnay nito, patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.