Rider, ‘Di Nakapagpigil; Dibdib ng Dalagita, Dinakma

GULAT NA gulat at hindi nakaimik ang isang 17-anyos na dalagita matapos biglang hawakan sa dibdib ng hindi nakilalang lalaki sa Brgy. 4 sa Laoag City.

Batay sa reklamo ng dalagita sa himpilan ng pulisya, naglalakad umano sa kalye nang may humintong lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo at bigla na lamang na dinakma ang kanyang dibdib.

Samantala, ni hindi man lang umano nagsalita maging ang lalaki at nag-eye-to-eye pa sila dahil sa gulat.

Matapos umanong hawakan at dakmain ng lalaki ang kanyang dibdib ay biglang pinasibad ang kanyang motorsiklo.

Sinabi naman ng dalagita na hindi niya kilala ang nasabing suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.