Rico Blanco, Iwas sa Usaping KC Concepcion

Pinasok na nga nang tuluyan ni Rico Blanco ang pag-aartista. Isa siya ngayon sa cast members ng Imortal nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin. Kahit pa open na ang sikat na mang-aawit sa mga acting projects, hindi pa rin ito handang makasama sa isang show o pelikula ang ex-girlfriend na si KC Concepcion. Hindi raw siya interesado sa ganitong bagay at mukhang hindi rin siya kumportable na makatrabaho ang dalaga ni Shawie. May mga usap-usapan noon na naging sila raw ni KC noon at hindi maganda ang kanilang paghihiwalay.

PAGSASAMA NINA PATRICK AT JENNYLYN SA ISANG PALABAS, BULILYASO!

Hindi na nga matutuloy ang sana’y pagsasama sa isang proyekto nina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado. Nakatakda na kasing gawin ni Jennylyn ang isang panghapong drama sa Kapuso network kasama sina Lovi Poe at Mark Anthony Fernandez. Inalok ang isang papel kay Patrick, pero balitang tinanggihan nito ang palabas hindi dahil sa ayaw niyang makasama ang ina ni Alex Jazz, pero hindi raw ito kumportable sa role na ibibigay sa kanya. Nabitin tuloy ang mga sabik na makita silang umakting sa isang serye. Better luck next time!

GWEN ZAMORA, AMINADONG TINALAKAN ANG ALALAY!

Ilang araw na ring naging blind item sa iba’t ibang diyaryo ang diumano’y pagtatalak ng isang baguhang artista sa kanyang alalay. Kinumpirma ng Grazilda star na si Gwen Zamora na siya nga ang nasa blind item. Depensa niya, nangyari raw ang kaganapang iyon sa taping nila sa Baguio. Nilalamig na raw siya nu’n at tinawag niya ang PA para kunan siya ng jacket. Ang kaso, nakatambay pa raw ito sa van kaya siya pa ang tumayo para kunin ang gamit. Hindi niya napigilang pagsabihan ang alalay sa harapan ng maraming tao. Kailangan matutunan ng dalaga na maging pasensiyosa sa ganitong mga eksena. Kabagu-bago pa lang, uma-attitude na.

KRIS LAWRENCE, GINAGAMIT SI KATRINA HALILI PARA MAPAG-USAPAN?!

Napuna ng maraming tao ang halatang ‘panggagamit’ diumano ng singer na si Kris Lawrence sa kanyang ex-girlfriend (nga ba?) na si Katrina Halili sa pag-promote ng kanyang bagong album. Ang awiting ‘Moments of Love’ ay isinulat daw niya para kay Katrina, na alam nating lahat na dumanas ng matinding kahihiyan nang lumabas ang kanilang sex scandal ni Hayden Kho. Kung tatanungin ninyo ang ilang tao kung kilala nila si Kris Lawrence, malaki ang tsansang isasagot nila na ‘Ex siya ni Katrina Halili’ imbes na kilalanin siya bilang isang mahusay na mang-aawit.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Rico Blanco, Iwas sa Usaping KC Concepcion

Leave a Reply

Your email address will not be published.