Rico Blanco, binastos si KC Concepcion?!

OLA CHIKKA! MUKHANG hindi na kumakagat sa ating mga kaparazzi ang mga gimik nitong mga artista natin kung saan ay gumagawa sila ng intriga sa tuwing may bago silang palabas o project. Tulad na lamang ng pag-iyak nina Kim Chiu at Gerald Anderson na kinainis ng marami na halatang gimik lamang upang pag-usapan ang kanilang pelikula.
IDAGDAG MO PA itong isyu kina KC Concepcion at Rico Blanco na sinasabing dating magkarelasyon na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nila inaamin. Hay, naku, huh! Ika nga nila na walang usok kung walang apoy! Isa sa mga parazzi girl ko na nakatira malapit sa tinutuluyan nitong si Rico Blanco ay isiniwalat sa akin na madalas daw niya noong nakikita itong si KC na binibisita ang singer-actor sa kanyang bahay mismo. Eh, ano naman ang gagawin nila roon? Magkukuwentuhan lamang? At kung mag-story telling lang sila, masasabi mo bang hindi sila magkarelasyon? Eh, puwede namang magkita sa labas, mall, restaurant at kung saan pa man. Bakit kailangan pang bisitahin ni babae itong si lalaki?!

Hmmm… ang henerasyon nga naman ngayon. Mukhang masarap maging kaibigan itong si KC dahil napaka-thoughtful… hindi ba?!

Hindi ko naman nagus-tuhan ang napapabalitang pagdedma nitong si Rico kay KC, dahil sa sinabi niyang hindi raw siya interesadong makatrabaho itong si KC. Maraming tao kasi ang nagsasabing pambabastos daw umano ito sa dalaga. Mukhang napaka-bitter nitong actor sa dalaga upang mabitawan ang mga ganoong salita. Ano kaya ang ginawa ni KC at ganu’n na lang kasama ang loob ni Rico sa kanya? Baka dahil hindi na siya dinadalaw sa bahay kaya ayaw na niyang makasama o hindi kaya nagsawa na siya sa kakabisita sa kanya kaya hindi na siya interesado?! Bad! Tsk, tsk, tsk…

Kahit naman kung ako si KC, masasaktan ako sa binitawang salita ni Rico. Hindi naman pangit si KC at talentado naman kaya wala namang malinaw na dahilan para hindi siya maging interesado, ‘di ba? Hindi naman tamang idawit pa ang pangalan ni KC sa pag-promote ng kanyang pangalan at palabas, dahil ano man ang meron sa kanila, nakaraan na lang iyon at ‘wag nang ibalik pa. Kawawang KC…

BLIND ITEM: PITIK BULAG! Sino siya?! Mahulaan n’yo kaya itong super papables na guwapong aktor na may matinding lihim na itinatago?! Ang chikka kasi, itong si guwapong aktor ay nasa kasagsagan ng shooting ng kanyang pelikula na pinag-usapan talaga at may naka-ispat ng kanyang sumpa.

Matapos mag-shooting ay hinubad na ni guwapong aktor ang kanyang leather shoes na usually ay sinusuot with socks, ngunit siya ay dedma lang, wala siyang suot na foot socks kaya malamang papawisan ang kanyang naggagandahang mga paa. Ngunit hindi ang amoy ang sumpa niyon. Nasaksihan ng aking parazzi girl na staff ng kanilang pelikula na sa kabila ng kagandahan ng kanyang paa, nagtatago ang mga germs sa kasuluksulukan ng kanyang mga kuko! Tamah! Bawat kuko ay mayroon design na tinatawag nating “pinoy tip” na instead of white ay itim ang nasa dulo ng kanyang mga toe nails! Ang saklap, ‘di ba?

Sayang at napakaguwapo pa naman niya at mukhang napakabango dahil sa makinis niyang kutis. Kaya naman payo ko na lang sa kanyang mga fanatics ay ‘wag na lamang tingnan ang kanyang mga paa lalo na ang mga kuko upang hindi ma-turn-off!

Ayaw ng bidang-kontrabida ng ganyan! Ha-ha-ha!
Hindi n’yo pa rin mahulaan? Subaybayan na lamang sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz, weekdays from 11:30 – 12 nn. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV, tuwing Linggo, mula 2:30 – 3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

6 thoughts on “Rico Blanco, binastos si KC Concepcion?!

  1. MY GOSH HA. si DIETHER OCAMPO ung BI. may upcoming movie sya for MMFF2010. DALAW. starring diether ocampo and kris aquino. tapos. sya pa ung leading man ni bida kontrabia, Angelica Panganiban sa RUBI. kaya i think si diet tlaga yan. :)

  2. hindi kataka-taka eh he’s such a sloppy dresser, carry lng nya ksi he’s got a nice bod & oozing sya’ with sex appeal. So malamang, dedma lng sya’ sa mga kuko nya no.

Leave a Reply

Your email address will not be published.