Ricky Reyes, pasok sa 10 pinakamayayamang showbiz celebrity!

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes!! Now na!!! To the maximum authority of chikka ng inyong yours truly at bonggang-bonggang chismax na naman ang aking isi-share na talaga namang nagmula ito sa survey na talagang pinag-uusapan. Mag-a-agree ba kayo, mga kaparazzi, o hindi?

May mga naniniwala, merong hindi kapani-paniwala na masa-sabi nga sa survey na itong babanggitin ko. Sila raw ang sampung pinakamayaman sa Pilipinas at in order pa. Ano ka-yang masasabi ng mga fans nila, sang-ayon kaya sila? Heto na…

10. VIC SOTTO – talaga namang kapani-paniwala ang kayamanan niya dahil mukhang pinaghirapan niya ‘yan. 9.SENATOR BONG REVILLA – perfect, ‘yun lang ang say ko. 8. LUCY TORRES – effect lang dahil mayaman naman talaga ang pamilya niya. 7. KRIS AQUINO – effect lang din kasi knows mo rin naman na talaga namang maharlika rin ang family niya. 6. DOLPHY – siyempre naman bongga ang kayamanan kaya lang ang pamilya niya ay sa kanya lahat nakaasa… hmm. 5.RICKY REYES – nakakaloka, mas mayaman pala si Mama Ricky sa kanila, ‘yan ay sang-ayon lang sa survey. 4. VILMA SANTOS – effect lang din. 3. WILLIE REVILLAME – no comment, haha! ‘Di ko alam kung saan nanggaling ang kayamanan niya. 2. SHARON CUNETA – effect lang din. 1. MANNY PACQUIAO – ‘di nakapagtataka… pak!

Pero itong mga ito, ayon lang sa isang survey na nanggaling kay Willie Fernandez at survey ek-ek lang, ano kaya ang masasabi ng mga kaparazzi natin d’yan?!

 

AT HETO NAMAN ang isa pang chikka na isi-share ko dahil noong nakaraan ay naisulat ko sa inyo ang natulungan namin na si Paul Sorsogon, ang writer noon na ngayon ay pakalat-kalat na lang.

Bakit naglalabasan ang intriga kung kailan nasa mabuti na siyang kapakanan, na kung sino ang tumulong hindi na mahalaga ‘yun. At least, alam ko sa sarili ko, nakatulong na ako at nagmagandang-loob ako sa tao, dahil talagang alam din ‘yan ng mga anak ko na talagang tinulungan ko si Paul. At kahit itanong n’yo pa sa Wish Ko Lang.

Kaya lang, hindi na kasi isyu ‘yan, ‘wag na nating intrigahin ang kapwa natin. Lalo na ‘yung taong gustong umangat sa sarili niya at alam n’yo rin naman na matalino talaga ‘yang tao na ‘yan… matuto na tayo.

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong TV host na ito na talaga namang mapera na at talaga namang nakapag- asawa ng isang bilyonario?

Talagang masasabi mo naman din na maharlika na siya, kaya lang kaya hindi sila magkasundo ay hindi signature ang mga damit at mga accessories nito. At ‘eto pa ang malupit du’n, dahil nagpunta siya sa isang flower shop, ang taray, ‘noh? Kaya lang, talagang sa Dangwa talaga! ‘Yung bagsakan talaga at tawad pa ng tawad ang lola mo.

Naku, naman, ‘te… kung umarte ka sa TV, akala mo ay ‘di ka nagpupunta sa mga ganyang lugar. Pak! Kaloka, haha!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang a-king anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

10 thoughts on “Ricky Reyes, pasok sa 10 pinakamayayamang showbiz celebrity!

  1. Mali, mas bilyonaryo si willie kaysa kay sharon.
    walang sinabi ang mga properties at pera ni willie kay sharon cuneta.
    Dapat pangalawa si Willie Revillame sa pinakamayaman na celebrity at pangatlo lang si Sharon Cuneta.

  2. Inggit lang ang nagagalit kay Willie. Hindi nila alam na si Willie hands on sa program niya. Ang laking pera ang naipasok ni Willie sa ABS CBN. Kumikita siya sa mga commercials. milyon milyon ang sweldo niya a month. Malaki rin ang kinita ng TV5 because of Willie, nasa Wall st. siya.Mas malaki ang salary ni Willie sa TV5, walang bisyo si Willie,invested lahat ng pera niya, guwapo siya sa personal.at mabait, very forward lang siyang magsalita ni di makuha ng mga pinoy. di siya plastic. Very generous and share his blessings to poor people.

  3. inggit ka lang kay wil kasi wla kang pera magtrabaho ka wla naman sa politika si wil para magnakaw iyong mga komersyal ni wil na marami tapos iyopng bayad ng tv5 kaya maraming pera nagbibigay pa iyan sa tao at may 50 million para sa matatanda na wlang pang bayad alalahanain mo halos lahat ng pinoy hipokritomaski sabihin mo pa iyong mga may ari ng network kaya nga showbusiness…manood ka na lang ng juicy or wil time big time o kaya sayaw ka ng kendeng kendeng sigurado wla kang stress hahahah

  4. si willie hypocrite yan doesnt deserve all the money na ginatas nya kay villar at sa abs at kay pangilinan

  5. I’m a Vilmanian and so proud of her, she was once down and almost out, but because she is a good person, good things came to her. Gov. Vi, I wish you all the best, I hope you will help more people not only on the place where you serve but the entire Philippines if you have the means and ways. Please continue your humility and kindness, God bless and more blessings.

  6. totoybola can you please enumerates all the sins that MR.Revillame committed,but whatever they are at the end of the day its Mr.Revillame’s problem not yoursDo you ,agree Swarding?

  7. Sang-ayun ako sau swarding about ke WILLIE REVILLAME. nakalulula ang kayamanan niya na mas mayaman pa yata siya ke pacquiao. Hindi mo mabilang ang napakarami niyang kayamanan at kung bakit mas mayaman pa siya sa me ari ng ABS-CBN NA SI MR.LOPEZ. Meron pa siya eroplano di mabilang na masyon mga yate mga buildings. Hindi na yata milyonaryo si willie kundi bilyonaryo kaduda-duda talaga ang kayamanan niya na hindi malaman kung saan nagsimula hehehe. diba KABAYAN NOLI?

Leave a Reply

Your email address will not be published.