Richard Yap, kinilala bilang isa sa ‘Men Who Matter’ ng People Asia

PINARANGALAN KAMAKAILAN ng People Asia’s Magazine si Richard Yap bilang isa sa Men Who Matter ngayong taong 2013. Ilan na sa mga artistang napabilang na naparangalan nito ay sina Robin Padilla at John Lloyd Cruz.

Sa kasikatang tinatamasa sa ngayon ni Richard na mas kilala bilang Ser Chief dahil sa seryeng Be Careful With My Heart, ‘di naman kataka-taka na mapabilang dito ang aktor.

Ayon kay Richard, masaya at sobrang proud siya na mapabilang sa nasabing listahan. Nakita namin kung paano pinagkaguluhan at halos lahat ay gustong lumapit at magpa-picture sa kanya kahit puro sosyal at kabilang sa alta sosyedad ang mga dumalo rito.

Kuntento naman sa pagkaka-extend ng Be Careful With My Heart, kung saan dati ay nagsalita sa amin ang aktor na walang problema sa kanya ito basta hindi lang kung saan tatakbo ang istorya dahil lang sa kagustuhang i-strecth ito. Siniguro rin niya sa amin na ekstensyon kung saan matatapos ang serye sa ere ang pelikulang gagawin nila at hindi ito sisimulan sa simula gaya ng ginagawa ‘pag ginawang pelikula ang isang teleserye.

Siniguro rin sa amin ni Richard na walang isyu ng selosan sa parte ng asawa niya o maging sa parte ni Jolo. Ipinaliwanag naman niya na bukod sa pagkakaibigan ay propesyunal ang samahan nila ni Jodi at sa simula pa lang naman ay ‘di nila itinago na may kani-kaniya silang kapareha sa buhay.

Pagkatapos mapanood ng mga kababayan natin sa Amerika at sa Canada noong Mayo, ngayong July 28 naman ay makakasama ng mga kababayan natin sa Singapore ang buong casts ng Be Careful With My Heart.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.