Richard Yap, ‘di malimutan ang ‘karanasan’ sa 2 bading !

NAKAUSAP NAMIN si Richard Yap, mas kilalang Papa Chen  at Sir Chief ngayon dahil nga sa phenomenal na Be Careful with my Heart ng ABS-CBN 2.

At dahil nga malapit na ang Valentine’s Day, naitanong namin sa kanya kung may regalo na ba siya sa kanyang misis?

“Bibili pa lang. Gusto ko kasi ‘pag may regalo ako sa kanya ay dapat magustuhan niya. Yes, tatanungin ko siya  kung ano gusto niya. Mas maganda na magamit niya ang ibibigay ko,” sabi niya sa amin.

May date ba silang mag-asawa?

“Meron akong taping, eh. Kaya ang buong cast ang ka-date ko,” sey niya.

Ang lakas ng dating Richard Yap kung kaya naman hindi lang mga kababaihan ang kinikilig sa kanya. Pati na ang mga kabadingan ay join na rin. Ano bang karisma meron siya?

“Siguro ‘yung style ng akting ko. Ako lang kasi ang istilo ng underacting. Natutuwa naman ako dahil tanggap nila ang ganoon klaseng acting,” sey niya.

Naisunod naming itanong kay Sir Chief na kung hindi ba siya takot sa mga bading?

“Hindi naman ako takot, kasi marami naman akong mga bading na kaibigan. At sa mundo ng showbiz, marami, kaya  nasanay na rin,” sey niya.

May mga nanligaw ba o may nag-attempt  ba sa kanyang bading noong kabataan niya?

“College ako nu’n, nanonood ako ng sine, may humawak sa hita ko. Inambaan ko ng suntok. Kasi nga naistorbo ang panonood ko ng movie. Dalawang beses na nangyari ‘yung may humawak sa hita ko. Inambaan ko ng suntok at biglang tumakbo,” kuwento ni Sir Chief.

Kalokah, ‘di ba?

 

BALIK-TELESERYE NA naman itong si Jenica Garcia. After din ng ilang buwan din niyang nawala. Balik siya via Bukod Kang Pinagpala ng GMA Afternoon Prime.

Sabi nga, ganoon naman daw ang GMA talents, after ng kanilang show na three to four months, mawawala siya sa TV.

Hindi naman nga puwedeng kada may teleserye ay makakasama ang GMA stars. Siyempre kailangan din nilang  magpahinga.

Makikipagtagisan siya ng galing sa pag-arte kina Camille Prats at Jackie Rice.

Kung sa bagay, may pinagmanahan naman sa aktingan itong si Jenica, ikaw na ang maging anak ni Jean Garcia.

Wish namin na magtuluy-tuloy na ang magandang career niya at sana huwag muna niyang atupagin ang kanyang lovelife. ‘Di ba?

 

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

14 thoughts on “Richard Yap, ‘di malimutan ang ‘karanasan’ sa 2 bading !

  1. Kung bading sila, eh di bading ka rin….it does not make you more MANLY than anything else!!! Insecure much Sir Chief? The CLOSET is HUGE!!!!

  2. “Makikipagtagisan siya ng galing sa pag-arte kina Camille Prats at Jackie Rice.”

    hahahahahahahahahahaha
    Yun lang

Leave a Reply

Your email address will not be published.