Richard Yap, ayaw isama sa lakad ng mga kasamahan sa serye!

SA KATATAPOS na fund  raising show ng Philippine Movie Press Club na Heart and Songs With Sir Chief sa Zirkoh-Morato sa Quezon City last Saturday, July 13, nakita naming kung paano magkagulo ang mga tao kay Richard Yap.

Hot item talaga siya ngayon. At ito ay bunsod ng tagumpay ng loveteam nila ni Jodi Sta. Maria sa Be Careful With My Heart.

Naka-isang taon na sa ere ang nasabing romance-comedy series ng ABS-CBN pero patuloy pa rin itong kinakikiligang subaybayan ng televiewers.

“Siyempre, very thankful kaming lahat,” ani Richard. “Because that means successful ‘yong show at saka tuluy-tuloy pa rin ‘yong support sa amin ng mga tao.”

Bibihira ang TV show na tumatagal sa ere ng isang taon. Bagay na ipinagpapasalamat daw niya na na-achive ng programang pinagtatambalan nila ni Jodi.

“Oo nga, e. Lalo na ngayon. Noon, ‘yong mga dati, meron. Pero now, bihira na nga ang nakakaabot ng one year. Kaya talagang very thankful ‘yong whole cast, ‘yong whole production, kasi… siyempre, that means everybody may trabaho.”

Tinatapos rin nila ngayon ang movie version ng Be Careful With My Heart na isa sa mga entries sa taunang Metro Manila Film Festival. May maiiba ba sa naging takbo ng istorya nito kumpara sa sinusubaybayan ngayon? “Maiiba talaga itong movie version. Continuation ito kung saan kami mag-stop sa story do’n sa TV series.”

So, sa buhay mag-asawa ng mga chatacters nila ni Jodi bilang Sir Chief at Maya naman tatakbo ang istorya sa movie version? “Oo. ‘Yong story sa TV series, papunta na sa talaga sa kasal kasi.”

Dahil entry sa MFFF ang movie version ng Be Careful With My Heart, malamang na maging isa siya sa best actor nominees.

“Hindi namin iniisip ‘yon!” nangiting reaksiyon ng aktor. “Basta sa akin, trabaho lang. Whatever comes. If it comes, bonus na sa akin iyon. Ang gusto lang namin sa MMFF… the movie will do well. ‘Yon lang.”

Phenomenal ang pagsikat nang husto ni Richard bilang bagong tinitiliang crush ng bayan. To think na medyo may edad na siya kumpara sa mga karaniwang nagiging hearthrob ng bansa.

Kahit saan siya mapunta, nagkakagulo ang mga tao na makalapit at makapag-picture sa kanya. Tuloy, balitang iniiwasan siyang makasama sa lakaran ni Sylvia Sanchez at iba pa niyang co-stars sa Be Careful With My Heart.

“Hindi naman!” natawa si Richard. “Ang ano niya (Sylvia), kapag may lakad sila… ay, huwag na nating isama. Niloloko niya ako. Na huwag nating isama si Richard, kasi magulo, e. Hindi tayo makakalakwatsa.”
Nakagugulat  din ang success ng loveteam nila ni Jodi. To think na sa totoong buhay, may asawa na si Richard. At ang aktres naman, karelasyon ni Jolo Revilla.

Pero talagang tinangkilik at minahal pa rin ng tao ang tambalan nila. At ang kilig factor nila sa fans, talagang solid at tumatak na sa viewers.

“Siguro, dahil maganda lang ‘yong chemistry namin. At saka ‘yong story no’ng show. At sa kasi, kami ni Jodi, totoong magkaibigan. Wala kaming ilangan sa isa’t isa.”

Wholesome at malinis ang naging packaging ng loveteam nila ni Jodi sa isang nakakikilig na romance comdey. Lagi silang sentro ng usap-usapan nang walang anumang intriga o kontrobersiya.

“Siguro kasi, iyon din ang hinahanap ng mga tao ngayon. Na parang… they feel good.”

‘Yon  na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Richard Yap, ayaw isama sa lakad ng mga kasamahan sa serye!

Leave a Reply

Your email address will not be published.