Richard Poon, nambastos ng isang stand-up comedienne?!

NAGREREKLAMO RAW ANG stand-up comedienne na si Rufa Mi dahil feeling niya ay nabastos siya ng singer na si Richard Poon.

Nag-show kasi sila sa isang casino branch kamakailan. Unang isinalang si Rufa Mi dahil main act si Richard. Hindi pa raw tapos ang pagpapatawa ng hitad ay bigla raw umeksena itong si Richard at inagaw raw mula sa dalaga ang mikropono.

Ang tsika, nagsalita raw si Richard at sinabing kailangan na niyang kumanta dahil may pupuntahan pa siya. Wala naman daw nagawa ang pobreng si Rufa Mi kung hindi pagbigyan ang nagmamadaling si Richard.

Ang akala ng mga taong nanood ay part ng comic act ni Rufa Mi ang ginawa ni Richard kaya nagtawanan sila.

Sinabi raw ni Richard na medyo naalangan daw siyang mag-show dahil hindi niya alam na may mga GROs sa venue. Apparently, napagkamalan niyang GRO ang mga waitress at attendants.

Masamang-masama ang loob ni Rufa Mi sa ginawa ni Richard. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa niya makalimutan ito.

Hindi namin lubos-maisip na magagawa ito ni Richard. Napakaganda ng breeding ng singer at wala sa hitsura niya ang mambabastos ng isang kasama sa show. Wala kaming ni isang insidente na narinig na nambastos si Richard ng isang performer.

Anyway, bukas ang pahinang ito sa anumang paliwanag ni Richard.

BLIND ITEM: FOR this actress, it’s not all about money.

Imagine, tinanggihan daw niya ang offer ng isang pulitiko na ikampanya niya.

Hindi birong pera ang tinanggihan ng aktres, napakalaki nito at talagang nakalulula.

Ang offer daw kasi sa aktres ay tumataginting na P40 million. Yes, iyan ang offer ng isang pulitikong ubod ng yaman sa aktres na sikat na sikat pa rin naman hanggang ngayon.

Ang kaso, mukhang may paninindigan talaga ang aktres. Hindi raw nito tinanggap ang offer ng pulitiko. Maprinsipyo kasi siya at hindi lahat ay pera ang labanan para sa kanya.

Bilib naman kami sa aktres na ito. Imagine, inayawan niya ang offer of a lifetime na maaaring hindi na dumating sa kanya o kung dumating man ay siguradong matatagalan pa. Hindi birong halaga ang pinakawalan niya.

Ang aktres ay dati nang nag-endorse ng isang pulitiko ilang eleksyon na ang nakalilipas. Ang pulitiko naman na nag-offer sa kanya ng napakalaking halaga ay isa sa pinakamayamang pulitiko sa ating bansa.

NAG-COLLAPSE SI VICE Ganda dahil daw sa stress.

Bago ito, medyo napaso pa yata si Vice Ganda sa ilaw na props ng Showtime nang minsan siyang mag-perform. Isinugod sa hospital ang hitad at ngayon ay maayos na ang lahat.

Malayo na ang narating ng stand-up comedian na ito. Hindi na simpleng comedy bars ang kanyang nilalabasan. Kagagaling nga lang niya sa Canada for a show. At may movie na rin siya, ang remake ng classic Roderick Paulate comedy na Petrang Kabayo.

Add to this, meron din siyang concert sa Araneta Coliseum sa May.

Tunay ngang malayo na ang narating ni Vice Ganda. Kaya siguro marami ang naiiinggit sa kanya ngayon. Ang kaso, hindi naman naaapektuhan ang hitad sa mga paninira sa kanya. Deadma lang siya sa lahat ng kontrobersiya na ipinupukol sa kanya. Hinog na nga siya kaya naman pinupukol siya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

11 thoughts on “Richard Poon, nambastos ng isang stand-up comedienne?!

  1. Una sa lahat, eh di itanong nio kay RUFFA wha?t?? RUFFA mi if there was really such an incident before kayong mag react. Richard poon is a gentleman, napaka down to earth and may breeding and came from a very decent and a well respected family.. HINDI yan GINAWA nI RICHARD !!!!

  2. Akala mo naman kasi kung cnu namang magaling kumanta yang c Richard Poon,hello mas magaling pa nga kumanta c Rufa mi sa kanya ala Rihanna kaya boses nia.hmm..papansin lang yan c Poon kasi cguro napansin nya na hindi na xa napapansin kaya nang agaw nlng ng mic..hahaha…wag kang ganyan Richard matuto ka gumalang…

    • rufa mi stands to loose if she makes a big issue out of this. after all she is starting to make a name for herself. she could have used other bigger celebrities if she wanted or wants to as she had co-starred with some of them in t.v. and other shows. why not ask them both as to what really transpired?… richard poon looks very gentleman. maybe he was just in a dilemma having to perform in a place he is not comfortable with. but then again, it is his responsibility to inform his clients of his limitations…

  3. why was he hesitant to perform this richard poon? sabi nya na nag aalangan daw syang magperform because akala nya me mga GROs? at napagkamalan pa daw ung mga waitress ? Does it matter who would be present in the venue? . . in the first place u have accepted the offer to perform there right? do u have the right to complain? next time mr richard poon pls think before u leap. . . .or else who is to blame now? . . . …u and nobody else but u. Pls try to give a little respect to ur colleagues in the showbiz. It could have added more to ur laurels . . . always remember life is an echo. . .

  4. Papansin naman yan si Ricard Poon. Nagmamadali, eh bat pa kasi siya pumunta kung may lakad naman pala siya at mambabastos pa siya ng ibang tao. Ano yun? Gusto nya mapnsin siya? at gagayahin nya si Kenya West na agawin agad micropo. hahah! Sus..yan Richard poon. nasa pinas siya, dapat naman matutu siyang respetuhin ang pilipino, wala siya sa teretoryo nya,

  5. sige magpakalat kayo nang negative issues kina vice ganda and richard poon kahit hindi totoo habang lalong nagbo BLOOM ang careers nila! bwahahahahahahahaha!

    pagtuunan nyo na lang nang pansin ang mga idol nyo… bakit NALALAOS na ba? bwahahahahahahaha!

    rufa mi? first of all sino ka? bwahahahahahaha! baka naman kasi hinahabaan mo na ang exposure mo samantalang hindi mo naman show yon, inaabala mo ang oras n richard, di kaya? bwahahahahahaha!

  6. i’m sure rufa mi just misunderstood richard’s intention. she’s just trying to make a big fuss about the whole thing para mapansin!

  7. Si Richard Poon lumaki na rin ang ulo katulad ni Vice Ganda? kaya na ba ng hitad na punuin ang Araneta? siguro mga kontestants sa Showtime manonood hoping na mananalo sila.

  8. Pakisabi lang kay Vice Ganda na please wag na siyang mag-sleeveless sa show, ‘no? Magsuot ng mga bonggang outfits, wag lang sleeveless. Nilipat ko ang channel dati kasi ganon suot niya. Hindi ko ma-take. lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.