Richard Gutierrez, almost got blinded because of car accident

HINDI KINAYA NG powers ni Richard Gutierrez na dumalo sa Flawless Brand Relaunch na ginanap sa bonggang Blue leaf Pavillion noong Linggo. Kahit sinasabi niyang kayang-kaya ng kanyang katawan ang tumindig at magpakita kahit saglit lang mag-anak na sina Cristalle, Quark at Atom Henarez, lalong-lalo na kay Dra. Vicki Belo, hindi siya nakalusot sa kanyang doktor, mom Annabelle at ate Ruffa, na labis na nag-alala sa kanyang kalagayan.

Imagine the accident that befell him. Nabali ang poste ng Meralco na nabunggo ng kanyang P7 M sports car. Nahulog ito sa kalapit na bangin at gumulong-gulong pa.

Pero, tanging upper face ni Richard ang napuruhan ng mga bubog. Ganu’ndin ang kanyang kanang mata na punung-puno rin ng mga bubog. An immediate operation was needed. A family prayer was also held sa mismong hospital room ng pasyente. Mayroon ding mga fans na nag-join sa pamilya. Nakinig din marahil ang iba’t ibang Sto. Niño na inuuwi-uwian ni Annabelle sa Cebu, kung kaya’t parang himalang nakaligtas ito.

Actually, nagkalagnat si Ricahard at after the operation, kahit sinasabing minor lang ay pinaniniwalaan ng mga espesyalista na major operation talaga. Magaling lang daw talaga ang mga doktor ni Richard, kung kaya’t nakaligtas itong mabulag.

HINDI RIN NAKARATING si Katrina for obvious reasons. Naunawaan siya ng mga dumalong movie press.

Ganu’n din si Judy Ann Santos na hindi pa matapos-tapos ang honeymoon. Sayang at hindi natin inabutan si Mark Herras na ibang-iba na sa bago niyang commercial. Hindi kataka-taka sakaling mapili siyang bagong leading man ng dating dyowang si Marian Rivera sa susunod nitong teleserye at maging sa pelikula. Malaki ang laban niya kina Dingdong Dantes, Mark Anthony Fernadez at Dennis Trillo.

Actually, lumutang si Mark sa bagong Flawless commercial. Iba ang epekto sa kanya ng TRILLSEEKERSFILM – an internationally respected production company na siya ring nasa likod ng feature films ni Madona, Truth or Dare, at music videos ng Rolling Stones, Elton John at Janet Jackson.

NAKARATING NAMAN SI Lorna Tolentino, pero sa halip na siya ang interbyuhin, naging curious siya sa mga naririnig na latest tungkol sa sex scandal. Lalo na ‘yung kay Maricar Reyes na siyang susunod na pag-uusapan. Kung dati-rati, she was only described as a doctor by profession at “Next in Line” na ilulunsad among our new leading ladies, this time pati pictures niya ay inilabas na rin.

Marami ang naghihinayang at naaawa sa kanya lalo’t ang amo-amo ng kanyang mukha, ang kinis-kinis ng kutis at may kagalang-galang na profession.

PHOTOS BY FERNAN SUCALIT

Ang P7M sports car na kabibili lang ni Richard Gutierrez nitong Enero, ang sinasakyan ng niya at ng kanyang personal assistant nang bumangga ito sa isang poste ng Meralco sa Silang, Cavite at mahulog sa isang bangin. Nagkadurug-durog ang kotse at himalang nakaligtas na ang matinee idol, ngunit sinawing palad naman ang kanyang assistant na si Nomar.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

2 thoughts on “Richard Gutierrez, almost got blinded because of car accident

  1. next time dapat ka nang mag ingat chard ha…!mhuaaaaaaa lagi kitang ipagdadasal dito sa sto.niño church d2 sa cebu…mhuaaaaa

  2. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #69

Leave a Reply

Your email address will not be published.