Richard Gutierrez, tutuluyan! by Eric Borromeo

Walang Wilma Galvante sa kasong ito!”

Ito ang diretsang pagtanggi ni Lorayne Pardo, ang biyuda ng PA ni Richard Gutierrez na si Nomar Pardo sa isyung may kinalaman ang GMA TV network executive sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide na isinampa niya laban sa aktor. “Hindi ako kilala ni Ms. Galvante. Nakikita ko lang siya sa TV.”

Nadawit ang pangalan ng lady executive nang banggitin ni Annabelle Rama na ito diumano ang sumusuporta ngayon kay Lorayne. Sa pahayag ng ina at talent manager ni Richard, may nakakita raw kay Lorayne sa opisina ni Galvante na nagbibigay ng mga resibo ng mga ginastos sa burol at pagpapalibing kay Nomar.

Paliwanag naman dito ni Lorayne, “’Yung resibo na ‘yon, ibinalik ko, kasi GMA network ang nagbayad sa burol at sa libing ng asawa ko. ‘Yung mga dokumento, ‘yung mga resibo, kailangan kong hiramin sa kanila. Ibinalik ko sa GMA para sa liquidation nila. ‘Yun ang dahilan kung bakit ako pumunta ng GMA network.” Hindi rin daw empleyado si Nomar ng TV network, kaya malaki ang pasasalamat ni Lorayne sa tulong na natanggap nila mula rito.

Nilinaw rin ni Lorayne na kaya raw siya nagdemanda ay dahil nanghihingi sila ng P4-M financial support mula sa pamilya Gutierrez. “Wala kaming hinihingi na kahit ano sa kanila,” diin niya. “Ang sabi nila, may demanda ako na 4 million, ngayon naman ang sabi nila humihingi ako ng 4 million.

“Sabi ni Richard, gusto ko raw ay 4 million. Paanong nag-ask ako sa kanya? Ni minsan hindi ko siya nakausap. Walang hinihinging 4 million ang kampo ko o ako sa kanila. Lahat po ng mga bagay na ‘to, sa kanila nanggagaling. Sila ang nag-o-offer sa amin, wala akong hinihingi,” muling diin ni Lorayne.

Ang tanging gusto lang naman daw ng biyuda ni Nomar ay malaman mula mismo kay Richard kung ano ang totoong nangyari nang maaksidente sila. Pero hanggang ngayon, hindi niya pa nakakausap ang aktor.

“Bilang wife ni Nomar, I have all the rights to know kung ano ang nangyari,” umiiyak na pahayag ni Lorayne.

Bakit hindi niya raw tinanggap ang alok na suweldo ng kanyang asawa na matatanggap niya sa tatlong taon? Pati ang educational plans ng kanilang anak, bakit niya raw tinanggihan?

Paliwanag ni Lorayne, pinapili raw siya ni Annabelle kung educational plan o lump sum ang gusto niya.

“Nag-agree ako do’n sa pera na inaalok nila, three years na suweldo ng asawa ko amounting to P432,000,” aniya. “Do’n na namin kukunin ang pag-aaral, panggatas, pangkain, pati damit ng mga anak ko. Okey na ako sa maliit na halagang ibinibigay nila sa amin. Pero lumipas ang araw, linggo, buwan, wala akong natatanggap sa kanila.”

Bukas ba siya sa isang amicable settlement?

“Kriminal ang kasong ito, wala po itong settlement,” diretsang pahayag ni Lorayne.

by Eric Borromeo

Related Post

loading...

11 thoughts on “Richard Gutierrez, tutuluyan! by Eric Borromeo

  1. go ms lorayne! sobrang taranta na ng buong pamilya kasi iyong milking cow nila, nabuking na. sana mawala lahat ng commericial niya. biro mo ang sabi ng ina, di mo man lang in-entertain ang prinsipe ng kadiliman ng dumalaw sa burol gusto ng reyna ng kadiliman kahit na nag-luluksa ka bigyang pugay at lumuhod ka sa prinsipe ng kadiliman.
    dont worry Ms Lorayne, di kailanman natutulog ang Maykapal. pls don’t back out on your case against the evil one. pareho lang iyan ng ina niya at lahat ng kapamilya niya. huwag na huwag kang makikipag-out of court settlement. ipagdadasal ka namin. we pray that you become strong physically, emotionally, spiritually. we pray that you’ll have more blessings na galing sa Maykapal. huwag kang tumaggap ng galing sa mga kampon ng kadiliman para matahimik ang iyong buhay. mabuhay ka Ms Lorayne!

  2. I’ll never forget when I saw Annabel Rama on the BUZZ, the weekend Lorayne husband died. AR said on the interview na “walang matatangap na pera sa akin yung babae, yung mga bata lang”. Parang sya pa yung galit. At firtst I thought na baka hiwalay na yung Omar tsaka yung asawa. Nagulat ako hindi pala. It’s just right that Richard face the consequences of the his own action. I hope justice prevail on Omar and his family. He’s children are gonna grow up without a Dad. You can’t put a price tag on that!!!!!!

  3. Dapat talaga makulong na yang Richard G na yan….Ate niyang si Ruffa POKPOK…Pumapatol sa BATA….Dati muntik na siyang mapugutan ng Ulo sa Istanbul….

  4. goooooo….lorayne….namumuru na yang Richard G na yan…sirain mo ang pangalan niya…at yang si Annabelle na yan bobo…yung ate niyang si Ruffa Malandi pumapatol sa bata….

  5. Lorayne, mabuti at hindi nila sinunod ang kasunduan ninyo. This time, you can ask them what is due you and your kids. Life expectancy ni Nomar, minus his age when he passed away, times his monthly income of P12,000, or your children graduating from college, whichever comes first. You lost the sole bread winner of the family. Huwag mo rin sanang kalilimutan ang ama ni Nomar. Kung siya ay tinutulungan noon, siguro, puwede mo ring tulungan kong manalo ka . I hope and pray that you win.

Leave a Reply

Your email address will not be published.