Richard Gutierrez, tahasang itinanggi ang isyung buntis si Sarah Lahbati!

TAHASANG ITINANGGI ni Richard Gutierrez ang kumakalat na isyung buntis si Sarah Lahbati.

Hindi raw niya alam kung sino ang nagpakalat ng ganu’ng malisyosong balita na hindi naman daw totoo.

Lalo pa kasing napag-usapan nang napanood nga ang Indio na kitang-kitang malaki ang puson ni Sarah.

Sabi ni Richard nang nakausap ito sa presscon ng Seduction kamakailan lang, matagal na raw talagang nakaplano ang pag-alis ni Sarah.

Ilang beses na nga raw nila pinu-postpone ‘yun dahil ayaw pa sana talaga ni Richard. Pero kailangan na raw nilang umalis, at alam daw niyang masaya ngayon du’n si Sarah kasama ang pamilya niya.

Nami-miss daw niya talaga, pero wala naman daw siyang magagawa. Pero kapag nakalibre daw siya ng schedule, dadalawin daw niya ito.

Naniniwala naman daw siyang babalik dito si Sarah para harapin lahat ng pinagdaanan niya at mga inaakusa sa kanya.

Sa January 30 na pala ang showing ng Seduction at sa nakikita namin sa trailer parang maganda ito, ha!

Siyempre kakaririn ni Peque Gallaga ‘yan dahil pagbabalik niya ito sa pagdidirek.

 

MUKHANG MATAGAL pang pag-uusapan ang isyung hiwalayan nina Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Sa totoo lang, hindi na bago ito sa mag-asawa na ewan ko naman kay Sunshine bakit naman niya pinatulan ang starlet na ‘to.

Nakilala tuloy ito na talent lang nga yata sa pelikulang ginagawa ni Cesar na The Untold Story of Alfredo Lim.

Pinag-uusapan na nga ito sa showbiz at halos iisa ang tantiya ng karamihan, magkakaayos din sila at magkabalikan.

Ilang beses na kasing nangyayari ‘yan sa kanila at naaayos naman. Kaya sana hindi na lang pinalaki at hinayaan na lang na mamatay ang isyu dahil siguro hindi naman seseryosohin ni Cesar ang babaeng ‘yun.

Naku! Ang daming showbiz couple na dumadaan sa ganu’ng problema at naha-handle naman ng iba.

Kaya sana huwag sumuko si Sunshine, ipaglaban niya ang pagiging asawa alang-alang sa kanilang mga anak.

Kung magsasalita pa siya at magti-tweet ng kung anu-ano, ama ng mga anak pa rin niya ang nasisira.

Ayaw pa rin ni Cesar na magsalita sa ngayon at tikom lang ang bibig nito.

Ganu’n naman dapat gawin, para hindi na lumala pa ang isyu.

Mana-himik na lang, ‘no!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Richard Gutierrez, tahasang itinanggi ang isyung buntis si Sarah Lahbati!

Leave a Reply

Your email address will not be published.