Richard Gutierrez, sinasabotahe ng Siyete?!


Click to enlarge.

Sinampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide si Richard Gutierrez ni Lorayne Pardo, balo ng production assistant ng aktor na si Nomar Pardo, matapos ang dalawang buwan mula nang masawi ito sa isang vehicular accident. Si Richard ang nagmamaneho ng sasakyan na bumangga sa isang poste at nahulog pa sa bangin. Agad na namatay si Nomar samantalang sugatan naman si Richard at ang kanyang bodyguard.

Kahapon, July 27, nakausap ni Ogie Diaz sa radio program niyang Wow! Ang Showbiz! ang ina at talent manager ni Richard na si Annabelle Rama. Agad nitong tinukoy na may kinalaman si Ms. Wilma Galvante, senior vice-president for entertainment ng GMA 7, sa demanda ni Lorayne laban kay Richard.

“Ang nasa likod ni Lorayne ay si Wilma Galvante,” diretsang pahayag ni Annabelle. “Kasi, may nag-text sa akin two days before mag-presscon si Lorayne. At two days before siya mag-file ng case against Richard, may nakakita sa kanya sa 7th floor ng GMA (TV network) kung saan ang office ni Wilma Galvante.”

At ayon sa taong nakausap daw ni Annabelle, kaya nandoon si Lorayne ay dahil nagbigay ito ng mga resibo kay Ms. Galvante ng mga nagastos sa libing ng asawa nito.

“Pero hindi ako naniwala,” patuloy ni Annabelle. “Kaya ginawa ni Wilma ‘yan, para ang press, inililihis niya, para ang atens’yon do’n na kay Lorayne, hindi na sa aming dalawa. Kaya naniwala talaga ako sa nag-text sa akin, ang may pakana n’yan si Wilma. Bakit ang lakas ng loob ni Lorayne na magpa-presscon na sira-siraan niya si Richard?”

Bago pa umabot sa demandahan, kinausap naman daw ni Annabelle si Lorayne at sinabi niya rito kung ano ang planong mga suporta ni Richard sa mga naulila ni Nomar.

“Sabi ko, ipararating ko sa iyo ang tulong ni Richard sa pamilya mo,” kuwento ni Annabelle. “Concerned si Richard sa mga bata. Sinabi ko sa kanya ang gusto ni Richard, magbibigay siya ng 12,000 (pesos), suweldo ni Nomar, every month for three years. ‘Yung educational plans ng mga bata hanggang college na. Para wala na siyang iintindihin. Um-oo na sa akin ‘yung tatay [ni Lorayne]. Um-oo na sa akin si Lorayne. Sabi ko, itawag mo na lang sa akin kung kailan tayo puwedeng mag-usap para maipadala ko na ‘yung mga tseke ni Richard.

“Nu’ng tine-text ko na si Lorayne, kinukuha ko na ‘yung pangalan ng mga bata, ayaw na niyang sumagot sa akin. Tapos narinig ko na lang na nagpunta sila sa police station, after two months, kumuha ng police report. Tapos, nagpa-presscon pa! Sabi ko, merong gumastos ng presscon d’yan. Kasi, wala namang pera sila, ‘no? May gumastos d’yan ng presscon.”

Wala raw naitulong na pinansyal si Richard sa naulila ni Nomar?

“Nagkakamali siya,” diretsang banggit ni Annabelle. “Ako, matulungin akong tao, napaka-generous ko. Lalo na si Richard, kasama niya si Nomar seven-days-a-week, hindi pababayaan ni Richard ‘yan. Unang-una sa burol, habang nakaburol si Nomar sarado ang opisina namin, lahat ng mga tao ko nandoon sa wake, tumutulong. Nagpapa-cater ako gabi-gabi. ‘Yung catering ko naman pinapasarap ko na dahil nandoon ang pamilya ko gabi-gabi.”

Pati raw ang tulong na nanggaling sa GMA-7, ginawan ng paraan ni Annabelle na makarating sa kanila. Nang tawagan daw siya ng misis ni Atty. Felipe Gozon [president, GMA TV network] na si Emmy, kung ano ang tulong na kailangan ni Richard, sinabi niya rito na ibigay na lang ‘yon sa pamilya ni Lorayne.

“Sabi ko, ‘wag na kay Richard, do’n na lang sa namatay. Kaya tumulong sa kanila ang GMA dahil din sa amin,” banggit ni Annabelle.

Patuloy niya, “Nasasaktan ako. Lahat ng tulong ko, hindi siya nagpapasalamat. ‘Yung tulong naming galing sa puso, hindi niya naa-appreciate. Ano ‘yon? ‘Yung puso niya bato? Hindi ko maintindihan.

“Kinapalan ko na ang mukha ko. Lahat ng kaibigan kong mayayaman hiningan ko ng abuloy para magkapera sila. Anong sinasabi niyang kahit piso wala siyang nakuha sa pamilya Gutierrez? Ngayon, napalibing ang asawa niya, do’n na siya kumampi sa mga taong hindi tumutulong sa kanya?”

Diin pa ni Annabelle, “Magsisisi siya d’yan. Ang taong tumutulong sa pamilya niya, sinisiraan niya. Ewan ko kung tutulungan pa siya ni Richard. Sinira niya ang pangalan ni Richard! Dapat malaman ni Lorayne na si Richard lang ang tumutulong sa pamilya niya.”

by Eric Borromeo

loading...

34 thoughts on “Richard Gutierrez, sinasabotahe ng Siyete?!

  1. malas nu mga nega! dhil hnd mkkulong c chard hahaha kc aq mismo ang mgppnsya sa knya hehehe hi chard we love you! from princess amana ampatuan

  2. ayan na ang karma mo Anevil. Si Batok at mandudura King ang nagbayad. Pag nakulong iyan wala na kayong breadwinner. Hindi kayo Diyos na kaya ninyo gawain ang lahat. Mapanlait si Bisaya pero ayaw munang tingnan ang mga baho nila

  3. Sira ka pala Anaevil, yung anak mo ang nakapatay, dapat lamang kayong tumulong. Wala kang Karapatan magalit sa kanya asawa niya ang namatay. Kung si Nomar siguro ang nag drive at namatay yung anak mung si Retard siguro mas grabe and ginawa mo sa familya nila.

  4. as far as i”m concern dinman ako apektado sa nangyari na yan kya bat ako magpapakaconcern in both parties,but as a good samaritan……WAG KANG HUMUSGA NG KAPWA MO AT BAKA DUMATING ANG TYM KAYO ANG HUSGAHAN!!!!!!!!!!!!!!!!!

  5. pano pala kung si RICHARD ANG NAMATAY?? pihado sisisihin ni anabel si Nomar o ung bodygard for letting richard drive. DAhil eto na nga at caught red handed si richard. naghuhugas kamay parin si anabel.

    kahit sinong TAONG ME UTAK hindi tatanggapin ang alok ni anabel. yung tulong nya isaksak nya sa baga nya! Kasi ung tulong nya is ung gusto lang nyang ibigay, it doesnt mean un ung nararapat or sapat.

    Dapat dyan magbayad si richard ng malaking danyos at itali ung habang buhay nyang salary sa pamilya ni normar. ganyan dito sa ibang bansa. kaya nga punishment, it should not be comfortable.

    mapagpatawad ang publiko, understanding naman eh. kaya lang si anabel matapobre. tus after nyang mang api mananawagan sya sa mga bakyang fans ni richard na suportahan sya. e pano kaya kung ung mga PG na fans ni ruffa ligawan sya o pikutin si richard. Pihado manawagan yan si anabel sa mga PG na fans ni richard para magrally.

  6. ano ba yang Annabelle na yan kung sinu-sino nalang may kasalanan daw, kung sinu-sino sinisisi, pathetic at mukhang naloloka na sa mga kasong kinakaharap na left and right.

  7. AY ipahold ang departure niya sa Immigration! Baka tumakas–pupunta ng US kuno! Halos ginawa na nilang Quiapo at Divisoria ang L.A. at Ongpin naman yung Hongkong! Buti nga! Makulong ka sana! Maghagis ang mga GOTCHERES ng pera akala mo tubig–pa dating duon sa pinatay ni Charding, ang P4M biglang nagbago ang kanta! Magkano yung sports car mo? Higit pa yan sa P4M. Siguro utang yan na di pa binabayaran noh? Hambog! Manalo pa sana kayo Gng Pardo! Our prayers are with you, your kids and the rest of your family. May Justice FINALLY prevail in the Philippines!

  8. SA AKSIDENTE AT MAY NAMATAY O MAY NASIRA NA MGA PROPERTY AY AUTOMATIC DAPAT SA MGA PULIS NA SAMPAHAN NG KASO ANG DRIVER NG RECKLESS IMPRUDENCE RESULTING.
    KAHIT NGA ANG NASAGASAAN MO AY JAYWALKER AY MAKUKULONG PA RIN ANG DRIVER NG SASAKYAN. BAKIT PAG ORDINARYONG TSUPER AY AGAD KULONG
    SAMANTALANG SI RICHARAD AY ANG LAKAS SA MGA MAYKAPANGYARIHAN IBA TALAGA ANG BATAS NG MAHIRAP INAAPI API NA TINATADYAKAN PA SAMANTALANG SI ZORRO AY NAGMAMALAKI PA ALAM MO NA MAY NAPATAY KA DAHIL SA PAGIGING IRESPONSABLE MONG PAGMAMANEHO MO , ANG TAPANG MO PA DAPAT PAGYAPAK MO SA CAVITE AY KULONG KA NA AGAD. GMA GISING KAYO NAGAALAGA KAYO NG KRIMINAL, MIKE WAG MONG TATANTANAN.

  9. hay nko anavil lgi nlng si wilma cnisisi mo hahaha bka mdagdagan ka ng libel nyan hehe…sma tlga ng bunganga mo

  10. sisisihin ang lahat pero never nilang aakuin ang katotohanan na si Retsard ang nagdadrive, ang may hawak ng manibela at may apak ng selenyador. Aksidente na kung aksidente pero sino ang may responsibilidad ng sasakyan?? kung makulong man si retsard, yun lang ang tama dahil sa pagiging iresponsable nya. at ang nanay nya dapat sa mental dalhin, grabe titliling nito tsk,tsk..

  11. naniniwala ako na hindi madamot ang mga gutierrez. pero kung magkakaso si lorayne, magkaso na lang sya at wag nang siraan ang mga gutierrez.

  12. Kailangan talaga my manag0t. Magbayad ka richard at kailangan mu manag0t. Kahit biktima k rin ikaw parin ang my hawak ng man0bela na ikinamatay ng tatay ng tatl0ng bata!!

  13. tama may mali si richard dapat managot sya dapat kasi una pa lang nagdemanda na yung girl. katakataka kasi…sorry ka annabel kaw may kasalanan ng lahat sa mga anak mo napupunta ang karma mo! kaw na lang kaya ang ikulong haha!

  14. hi simply JC may imbestigastion na kasi nakuha na ni loyraine yung police report na talaga may kasalanan si richard “Reckless imprudence resulting to homicide” kaya iyan din ang kinaso ng mrs. pardo kaya nga malakas ng loob nang widow kasi malakas laban niya ito namang mga royalty kuno na pamilya gusto nila iyong masusunod kung ano ang guston ibigay iyon lang iyon parang walang karapatan iyong namatayan bah. nakakalukah talaga

  15. Kung walang itinatago si Richard bakit takot ata imbistigasyon. Eh titingnan lang naman kung may probable couse o basihan ang reklamo ng complainant. Wala naman magagawa ang taga GMA 7 kung magsampa ng kaso si Lorayne Pardo againts Richard…

  16. This is a very stupid assumption from a very stupid woman, driven by greed. Dapat ata dagdagan pa ng kasong libel ‘tong babaeng ‘to. Sisisihin lahat maliban sa kanilang mga sarili.

  17. feeling galing sa buena familia to si ana-evil rama, helo tumingin ka nga sa pinanggalingan mo pulpul na starlet. kaya ka lang “yumaman” kasi lahat ng angkan mo kahit no talent nasa showbiz. isa anak mo lang ang pwede sa showbiz pro d pa sa acting sa hosting c raymond. the rest no “K” itong si eddie gutierrez wala ding bayag panu si ana-evil ang kumikita kaysa sa kanya.

    walang problema ang maging monster ka sa pagtatanggol ng mga anak mo bilang pero ilagay mo sa tama. palibhasa boba ka! ang diyos mo pera!

  18. iyon isa dito Ito oh kung hindi mo pa alam police report indicates that Richard was driving recklessly, and, therefore, criminally liable. Reckless imprudence resulting to homicide. ‘Yan ang conclusion ng chief of police at kaya ganyan magreact ang karamihang madlang people sa issue na ito kahit hindi namin kilala si richard personally pero kailangan pa rin niya managot noh buhay ang nawala at sabi mo ina karin bakit hindi ilagay ang sarili mo sa situation ni loyraine na may mga anak din pinaglalaban lang naman niya ang karapatan niya kisidohang 4m iyon ang nakakainis lang kasi eh hindi sila marunong magpakumbaba bakit si loyraine pa ang dapat makiusap sa kanila dapat sila ang magreach out dahil maypagkakamali si richard doon aminin man nila o hindi.ngayon nakaluko luko na hugas kamay sila JUSTICE FOR NOMAR

  19. .actually .wla naman tlga msyado dpat ikagalit kay richard .kc gnawa naman nia ung dpat niang gwin (lyk mg offer ng help dun sa naulila ni n0mar) .kso ang pangit lang .ung nanay nia na akala mo kung cn0 kung mgsalita. .ang tapang2 eh cla naman may ksalanan. .ung mga msasamang gnagwa ni anabel .ung mga pmilya nia ung nkakarma. .

  20. ano ba yan! parang gusto ng mga gutirrez sila nalang ang diyos para bang gusto nilang controlin ang lahat!

    Matapobri at sobrang hypocrite ang mga yan!!!! sino ba ngayon ang nagmamalinis??? ikulong yang Richard na yan!!!!!!!!!

  21. i have driven in that area, the silang-tagaytay area and its not curvy, not difficult to drive at. I hate those drivers who overspeed and put other people’s lives at risk.

  22. Ms. anevil rama mahalin niyo ang showbiz dahil jan kau nabubuhay. dapat marunong din kaung makisama hindi ung puro kau ang pinapakisamahan. Isang ina rin ako kaya naiiintindihan ko c Ms. Lorayne. Ok baligtarin natin, kung sau kaya ngyari un ano ang gagawin mo? Im sure hnde lang demanda. ska pls. stop talking trash to the PArdo family. kasi mas bulok pamilya niyo ok.

  23. I’m driving too…and I’m a lady…if the body guard of Richard will talk and say what was Richard’s speed before the accident happen, did he or did he not put caution driving on curves?was the road slippery? maraming pwedeng maka arise ng accident..yong biglaang may tatawid..etc…so please, ipaembestiga niyo munang mabuti bago niyo naman i-convict si Richard. wala ako paki sa mga pinag sasabi niyo about her mom, ina rin ako, I will do all my best to protect my children and people under my care…que sehodang maging monster ako sa paningin niyo..eh ano magagwa ko..ganun ang breeding ko pag nagagalit ang alm kong tama ako..tatalak ako ng tatalak. ika nga, linisin mo muna yang dumi sa mukha mo bago mo linisin yong iba…hindi ka ba nagalit sa tanang buhay mo????hello!!! nagmamalinis kayo, para kayong hindi nagkakasala!! ipukol mo ang unang bato kung hindi ka nagkasala!!!!

  24. Even if the conspiracy theory is true. The case still has merit.

    Under RA 4136 or Land Transportation and Traffic Code:

    “Section 48. Reckless driving. – No person shall operate a motor vehicle on any highway recklessly or without reasonable caution considering the width, …curvatures, visibility and other conditions of the highway and the conditions of the atmosphere and weather, or so as to endanger the property or the safety or rights of any person or so as to cause excessive or unreasonable damage to the highway.”

    “Section 56. Penalty for violation….(n) If, as the result of negligence or reckless or unreasonable fast driving, any accident occurs resulting in death or injury of any person, the motor vehicle operator at fault shall, upon conviction, be punished under the provisions of the Revised Penal Code.”

  25. Ano ba naman itong si Annabel lahat inaaway mapa press,print ads editor,executive,boyfriend ng anak inaaway din,pati close friend idenemanda rin sya kong lahat sila aawayin mo paano ng mga anak mo lahat involve sa mundong ginagalawan mo ang showbusiness di kaya ikaw talaga ang mapagmalabis TOTOO ANG KASABIHANG WHEN IT RAIN IT POURS MAGINGAT KA ANNABEL IKAW ANG KAUNAUNAHANG MALULUNOD AT DAPAT KA MATUTONG LUMANGOY AT BAKA TANGAYIN KA SA KANGKUNGAN,AT MATUTONG KANG ISARA ANG UMAALINGASAW MONG BIBIG AT HARAPIN ANG KATOTOHANANG TANGGAPIN ANG MGA PAKAKAMALI,AT PAGPAPAKUMBABA SA HALIP ISIPIN BAKA KARMA NA ITO NG KAYABANGAN MO!

  26. DATI NG MAKAPAL ANG MUKHA MO DAY KINAKALOS KA NG ITAAS DAHIL MASYADO NG MATAAS ANG LIPAD MO ORAS MO NA PARA UMAPAK SA LUPA HINDI KA DIYOS TAO KA LANG KAYA MAGISIP ISIP KA SA PINAGGAGAWA MO,BALANSE KASI ANG GMA7 HINDI KUMUNIT TALENT NILA AY HINDI NA ILALABAS ANG KATOTOHANAN NG NEWS KAHIT NASA KABILANG PANIG KAPA,DI TULAD NG IBA DYAN PINAGTATAKPAN,MAGPALIWANAG KA NA LANG SA KORTE TUTAL NAKADEMANDA KA NANGA KALIWAT KANAN,HARAPIN MO ANG KATOTOHANAN NO ONE IS ABOVE THE LAW AND ITS WORTH OF MILLIONS BECAUSE OF YOUR DIRTY MOUTH AND WAGGLING TOGUE,YOU ARE MONSTER MOM INDEED!!!

  27. Alam mo naman sa mundo ng Rama lahat kasalanan ng taong nakapaligid sa kanya SELF CENTERED,SELF ASUMING,DOMINANT,MUKHANG PERA,MATAPOBRE,PAKIALAMERA,AT SA MUNDO NYA SYA LANG ANG PINAKAMABUTING TAO,MAGBILANG KA NG ARAW ANG SINASAMBA MONG PERA AY BABAWIIN DIN SAYO,BITI NGA SAYO!!!

  28. sinasabotahe ka ng gma?…lol, eh di lumipat ka ng abs btbtn mo c retsard dagdag sa mga nka freeze na talent ng abs. maraming gwapo sa abs at cyempre magaling umaktng hnd gaya ni retsard day. wawa nman kau day, karma yan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.