Richard Gutierrez & Sarah Lahbati: Will It Be a Happy Ending?

RICHARD GUTIERREZ

Real Name: Richard Kristian Rama Gutierrez

Birth Date: January 21, 1984

Zodiac Sign: Aquarius

Symbol: The Water Bearer

Ruling Planet: Uranus

Quality: Fixed

Element: Air

Basic Trait: I Know

Closest Metal: Aluminum and Uranium

Lucky Day: Saturday

 

SARAH LAHBATI

Real Name: Sarah Alzol Lahbati

Birthdate: October 19, 1993

Zodiac Sign: Libra

Symbol: The Balance

Ruling Planet: Venus

Quality: Cardinal

Element: Air

Basic Trait: I Balance

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday

 

NAKATAKDA NANG mamaalam sa ere ang teleseryeng Makapiling Kang Muli. Ito ang nagsilbing unang pagtatambal nina Richard Gutierrez at Carla Abellana bilang Martin at Leilani. Sa katunayan nga, marami ang kinilig sa kanilang pagsasama kahit pa alam ng lahat na in real-life ay very much in love itong si Carla sa syotang si Geoff Eigenmann.

Kahit pa kontrabida itong si Sarah Lahbati bilang Graciela sa Makapiling Kang Muli, obyus na siya naman ang bida sa puso ni Richard. May mga nagsasabing sila na raw talaga, pero ayaw lang nilang umamin. Action speaks louder than words, ‘ika nga.

Pero sandali lang, ha? Ilang beses na rin kasi tayong pinaasa ni Papa Richard na dyowa na niya ang mga naging leading ladies niya, pero karamihan dito ay tila ‘for publicity purposes only’. Ngayon na magba-baboo na sa ere ang pinagsamahang proyekto, itutuluy-tuloy pa rin ba ni Richard ang panunuyo kay sexy and sultry Sarah?

Sociable individuals ang mga Aquarian at Libran. Gustung-gusto nilang maki-bonding sa mga repapips at hindi sila snob. Bihira silang makitang nag-iisa. They love smart conversations and they never fail to impress anyone. Importante sa kanila ang kalayaan at hindi nila trip ang manakal sa jowa unlike other zodiacs. Ang pagkakaiba lang nilang dalawa ay mas mahal ng Libran ang sarili, samantalang ang Aquarian naman ay iniisip muna ang ikakabuti ng lahat bago ang sariling kaligayahan.

Gagamitin ng Libran ang kanyang charm kaysa pairalin ang galit at selos. Kung sakaling maka-engkwentro nito ang minamahal na Aquarian. Sa totoo lang, instant attraction ang madalas na mangyari sa pares ng dalawang zodiac na ito. Madalas na nauuwi pa sa matagal na pagsasama pa nga, eh! Lalong mamahalin ng Libran ang pagiging creative ng Aquarian. Rerespetuhin naman ng Aquarian lahat ng mga gustong gawin sa buhay ng Libran. Ang kailangan lang nilang dalawang i-promise sa isa’t isa ay ang salitang Commitment.

Kung makumbinse ng babaeng Libran ang lalaking Aquarian na mag-commit, ibig sabihin ay mahal na mahal siya nito. Bihira lang sa mga Aquarius ang ipagkatiwala ang kanilang puso, puro wagas naman sila kung mainlab! Ang pagiging adventurous ni lalaki ang magpapakilig kay babae. Ang pagiging intelihente at balanse naman ng babaeng Libran ang ikakahulog ng loob ng lalaking Aquarian sa kanya. Give and take ang relasyong ito – walang mananapaw. They bring out the best in each other.

Well, well, well! It seems like we have a perfect match here, huh?! Balita namin ay nagbakasyon noong nakaraang Linggo sina Richard at Sarah sa Boracay. Ituluy-tuloy n’yo lang ‘yan at posibleng maging real-life fairytale ang magaganap! Keep it up! Kapit lang! Woooo!

Pares-Pares

By Madam Damin

2 thoughts on “Richard Gutierrez & Sarah Lahbati: Will It Be a Happy Ending?

  1. Bagay sila – Looks lang ang meron. Talent-wise, sila pinaka-bopols sa MKM. Sarah is irritating as Graciela not because kontrabida siya, pero wala siyang kwentang artista. Workshop pa may pag-asa ka pa. Nilalamon lang ni Carla ng buhay sa aktingan!