Richard Gutierrez, sabik nang sumabak sa drama!

AFTER NG Survivor na magtatapos na ngayong Biyernes (February 10), sa isang bagong primetime series ng GMA-7 naman sunod na masusubaybayan ulit si Richard Gutierrez. At excited nga raw ang binata na balik na naman siya sa pag-arte.

“Kasi medyo matagal akong nawala sa acting,” aniya nang makakuwentuhan namin last Sunday sa Party Pilipinas. “Puro hosting recently ang mga ginawa ko. So, back to basics naman. Back to soap operas. And I’m very excited.”

Isa si Carla Abellana sa pinagpipi-liang maging leading lady niya.

“Oo nga,” nangiting reaksiyon niya. “And I haven’t worked with her. So, it would be good to work with her and see kung may chemistry kami o wala. But more than anything, isa siya sa mga leading ladies ng GMA na hindi ko pa nakakatrabaho, so I’m very excited to work with her.”

Gusto rin daw niya na makapag-portray ng isang bago at mas challenging na role kumpara sa mga nagampanan na niya dati.

“Well, kasi nga, coming from last year… I did Captain Barbell na nagawa ko na before. And then puro hosting jobs na ‘yong sumunod. I asked the writers of GMA, the creative team to challenge me this year and come up with something na hindi ko pa nagagawa which is the traditional soap opera. So, it would be a good challenge for me. And, ah… ‘yon ang gusto ko, eh. Iyon ang hinahanap ko.”

Walang balita sa current status ng kanyang lovelife. How is he celebrating Valentine’s Day?

“Uhm… hindi ko pa alam, eh,” bahagyang natawang sabi ni Richard. “Pero, may mga pinaplano na kaming magkakapatid na mag-a-out of town kami.”

Wala siyang someone special na ka-date sa mismong Araw Ng Mga Puso?

“Marami. Marami akong special someone,” pagtukoy niya sa mga taong malalapit sa kanya.

Pero kung girlfriend o karelasyon daw… wala umano nga muna sa ngayon.

“Relaxed lang muna. Ngayon naka-focus ako sa work, siyempre. At ‘yon ang main priority ko… work right now,” panghuling nasabi ng aktor.

 

NAINTRIGA ANG marami matapos ang surprise appearance ni Ronald Singson sa Party Pilipinas para i-greet ng happy birthday si Lovi Poe. Para kasing hindi naman daw nag-break ang dalawa. At iyon nga ang gustong itanong ng media nang lumabas na sila sa studio ng GMA-7.

Tinangka man ni Lovi na hatakin si Ronald para makaalis na sila at makaiwas sa interview, hindi na nakagalaw ang dating kongresista nang ma-corner na ng mga naroong TV crew. Siyempre, nakisawsaw na rin kami sa mabilisang panayam na iyon..

“Nilakasan ko na lang po ang loob ko. Nagpakapal na lang po ako,” ani Ronald patungkol sa live appearance niya sa Party Pilipinas.

“Dapat magpapaabot lang ako ng flowers. But I chose to greet her personally.”

Sa tanong kung nagkabalikan nga ba sila, ang pahayag ni Ronald: “We’re just working on our friendship for now. ‘Yon lang.”

He’s not making any move to win her back?

“Wala pa namang usapang gano’n. Right now, happy naman kami. Maganda naman ang pagkakaibigan namin. And, uhm… we’re both happy about that. At least hindi nawala ‘yong friendship.”

Nakulong si Ronald sa Hong Kong for one and a half years nang dahil sa kasong illegal possession of drugs. Ngayong nakalaya na siya, ano ang mga bagay na inaasikaso niya?

“Ah… spending time with my family. Siguro magku-concentrate muna tayo sa business. And, I’m just taking it slow.  Inuunti-unti ko lang muna,” panghuling nasabi ni Ronald.

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

10 thoughts on “Richard Gutierrez, sabik nang sumabak sa drama!

  1. Bat kaya laging nwwlan ng GF to? hhmmmm maliit ba o same sa twin niang BEKI? LOL
    oh yeah, acting wise, BANO! mg-workshop ka muna Dong. 

    @Hugo – LOL eh anu nmn ang Double number 1 ng GME? anong saaabbbbiiiiii? Bobo na nga viewers jan. gnagwa pang tanga! amfness 

    Atty Gozon – manipulator, corrupt, kea nga sinibak yan sa Bank abroad na mas malaki pa knikita nia kesa ngaun!

  2. ok lang yan richard di mo na kailangan mag drama kasi lahat namn ng sumubok manuod ng mga shows mo eh sigurado naiyak sa oras na inaksaya nilang panuodin ka

  3. true, ang tagal na nyang artista pero sa totoo lang, acting wise, wala pang maipagmamalaki, kaya nga gagayahin na nya si dingdong na didikit kay kris aquino para magkamovie sila para magkaroon din sya ng acting award! hahahahaha.. ano nga naman ang maipagmamalaking acting ni richard? puro pangbata ang mga shows, mga low quality na may special effects. for me isa si richard sa mga worst actors, kasama nya sina aljur abrenica,geoff eigenman,jolo revilla. mga artistang banong bano umarte. sa star appeal na lang bumabawi si richard, swerte nya kasi gwapo sya o may dating.

  4. Eh ang tanong, kaya ba niya?  Ang tagal-tagal ng artista pero walang pinagkatandaan, bano pa rin umarte.  

    Si Richard na mismo ang naghahanap ng hamon, kasi lahat ng binibigay sa kanyang projects puro baaaassssuuuurrraaa!

  5. Goodluck Richard. Anyways, I am sure, kung sabik kang sumabak sa drama, mas sabik na sabik naman ang ABS CBN na makuha at maging contract star ka nila. The only thing is maigsi na ang pisi ng dos, naghihintay pa ng makukubra dun sa mga creditors nila at kasosyo kaya HINDI makapag offer sa iyo ngayon ng bongang bongga.

  6. NAKU AMBISYOSONG RETSARD, MAG-WORKSHOP KA MUNA BAGO KA MANGARAP NA UMARTE NG DRAMA. WALA KANG ALAM GAWIN KUNDI IKUNOT LNG ANG NOO AT KILAY MO AT IDILAT YANG MGA MATA MO KAPAG UMAARTE KA NG WALANG LATOY. GAWA KA NA LNG NG PORN MOVIES KAPARTNER C DIEGO. BWAHAHAHAHAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.