Richard Gutierrez, recipient of Fr. Neri Satur Special Citation for Media and Culture

KAHIT BISITA SA kasal, pinakIusapan siguro nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na huwag magsalita.

Huminto na muna ang lahat para kay Judai starting last week. Nakaka-one fourth pa lang sila ng shooting ng Oh My Girl ng Regal Films with Ogie Alcasid, pahinga na muna siya in time for her birthday at sa kasal na rin nila ni Ryan. Ang official statement lang nila, definitely it will happen this year. Kung kailan, walang makapagsabi kahit ang mga bisita or magiging participation nila.

Nakausap namin si Direk Joyce Bernal a week before Holy Week, nagkabati na nga kasi sila ni Judai at ang masasabi niya lang sa amin, invited siya. Ganoon din si Ogie na twice naming nakausap, sa OMG set visit pati na rin sa Hole In The Wall presscon at ang invitation niya lang ang kinumpirma niya, ni hindi ang kanyang participation kung kakanta ba siya during the wedding.

True ba na may kasamang waiver of confidentiality ang invitation sa kasal?

HINDI MATINAG NG kontrobersiya si Richard Gutierrez.

Noong Sabado, the Office of the President thru the Office of the Presidential Adviser of Global Warming and Climate Change has awarded the Primetime King bilang as one of the recipients of this year’s Fr. Neri Satur Special Citation for Media and Culture. This is for his efficient hosting of the documentary film Signos ng GMA about global warming. Personal na in-accept ni Richard ang award na ipinalabas kahapon sa NBN 4.

Call it magic, call it charm, Richard has not lost anything kahit napakaraming intrigang ibinabato sa kanya ngayon. Nananatiling winner ang kanyang primetime soap Zorro sa Tele-Babad after 24 Oras. Galloping in the ratings ang Zorro na anchor of the Tele-Babad block. Kapag mataas ang unang show sa block, pataas ang mga susunod na shows sa block. Kaya nga pati Viva Films gustong makalasap ng magic ni Richard, `no?

Co-producer ang Viva Films ng GMA Films sa next Richard movie this year, ang Maybe This Time.

GMA ANG NAGBAYAD ng kuwarto ni JC Tiuseco sa Boracay `no, hindi si Katrina Halili.

Tonight ang simula ng pinakabagong show ng GMA, ang Hole In the Wall hosted by Michael V and Ogie Alcasid as Yaya and Angelina respectively. Ito ang ipapalit sa napakataas na nagtapos na Family Feud. Sa taping nito after the presscon, nakausap namin si JC, the first Pinoy Sole Survivor na lalaban in one of the future episodes of the show kasama sina Wilma Doesnt and Rochelle Pangilinan.

Anyways, may balitang nagbabad daw si Katrina sa kuwarto ni JC noong magkasama sila sa Boracay during Holy Week. May insinuation pang si Katrina ang nag-pay ng hotel fee ni JC. Say ni JC na nag-birthday last Thursday, nakakahiya naman sa GMA ang balitang ‘yun dahil ang Kapuso mismo ang nagpapunta sa kanya roon for his Unang Hirit stint, so bakit naman daw hindi ang GMA ang magbabayad nito or for that matter hindi na lang siya kung kinakailangan?

Oo nga naman.

Merese
by Dinno Erece

Related Post

loading...

One thought on “Richard Gutierrez, recipient of Fr. Neri Satur Special Citation for Media and Culture

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #53

Leave a Reply

Your email address will not be published.