Richard Gutierrez, naghahanap na ng malilipatang istasyon?!

NO WONDER, nakapag-guest si Richard Gutierrez sa last Sunday’s episode ng Gandang Gabi Vice, expired na kasi ang kontrata ng aktor sa GMA as far as his TV projects are concerned. Dinig namin, what’s left of his contract ay isang pelikula na lang which will totally liberate him from the TV network na ilang taon din niyang pinaglingkuran.

So, are we to assume na naghahanap na ng malilipatang istasyon si Richard? His reasons if ever are obvious, after all.

Una, ang karelasyon niyang si Sarah Lahbati ay may legal pang problemang kailangan niyang ayusin sa GMA Network, Inc., bukod pa sa isinampang libel case laban sa kanya. Naiipit nga naman si Richard between the station and Sarah’s plight.

Ikalawa, there can never be two kings in one kingdom. With his arch rival Dingdong Dantes hailed as the Primetime King of the network, ano ngayon ang ranggo ni Richard? For sure, he won’t settle for a princely title.

Masasabi na bang ang simpleng pag-guest ni Richard sa GGV is Richard’s ticket all the way to the entrance of ABS-CBN?

But let’s face it, isang snakepit ang naturang istasyon reigned by the John Lloyd Cruz, the Jake Cuenca, the Piolo Pascual, etc.? Here’s hoping that Richard reconsiders his decision, at the same time opens his mind to the fact that he’s not at par with the king.

PROOF THAT she’s damn serious as a producer, mismong si Ai-Ai de las Alas ang nag-hold ng special screening ng Kung Fu Divas nitong Miyerkules sa Trinoma Cinema 6, exactly a week before her first screen team-up with Marian Rivera opens in more than 100 theatres nationwide.

In her words na rin kasi, sinabi ni Ai-Ai na bilang investor ay wala siyang karapatang magtamad-tamaran sa shooting, “Milyon ang mawawala.”

In Kung Fu Divas directed by Onat Diaz na isa ring co-investor, Ai-Ai has waived her entire talent fee, samantalang bukod sa kanyang TF ay nagdagdag pa si Marian sa kanyang first venture sa pagpoprodyus.

Producing movies is no longer new to Ai-Ai, in fact, Kung Fu Divas brings to three the number of films that she has co-invested so far. “Kaya naman kapag kumita, ang saya-saya ko! Ang dami kasing pera!”

Inamin naman ni Ai-Ai na baka raw sa pagkakaroon niya ng maraming pera kung kaya’t lapitin siya ng mga lalaki who end up her dyowa only to realize her kagagahan committed many times over.

 

MAGSISILBING REUNION ng TGIS stars na sina Angelu de Leon at Bobby Andrews ang episode bukas ng One Day, Isang Araw na pinamagatang Ang Huling Diwata.

With an environmental theme, nagkaroon ng family outing sina Mommy Janet (Angelu) at Daddy Cesar (Bobby) sa isang resort na may ilog. Upon arrival, they are met by the resort caretaker Maya (Kylie Padilla).

While picnicking, Sid (Bryan Jestin Pagala)catches sight of a fairy na hindi niya nilubayan sa paghahanap kasama si Shelly (Mikcah Nacion). Minsan nang nahuli ni Shelly na kumakain ng mga kendi si Sid, at para hindi ito maisumbong, he tosses a plastic bag full of candies into the river.

Dahil doon, naglabasan ang mga “atawid” (bad fairies) sa maruming ilog sa pangunguna ng diwatang si Rochelle Pangilinan. The conflict unfolds when the atawids forcibly take Shelly under their custody, kaya to the rescue si Maya.

Their goal is to recover the waste thrown into the river para hindi na muling sumalakay ng mga atawid. One Day, Isang Araw airs every Saturday after GMA weekend news.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

19 thoughts on “Richard Gutierrez, naghahanap na ng malilipatang istasyon?!

  1. Dapat makulong muna sya….sobrang yabang ng richard na yan!!! Kaibiganin nya muna si Dir. Wenn, balita ko naghahanap si Direk ng boytoy! at si Vice naman gusto ng palitan ang papa nya at baka daw ma-shutdown ‘ ang savings nya…

  2. kasalanan yan ng nanay nya. ampangit ng ugali. nalalaos ang mga anak dahil sa kanya. awayin ba naman maski top exec ng network? okay naman si richard sa mga fantaserye. hindi patok sa kanya mga drama. nagpaka-daring siya sa movie kaso nilangaw. e pano ba naman hindi lalangawin ang movie? ang mga fans niya mga bata dahil sa mga fantaseryes niya. tapos biglang magpapaka-daring at magpapakita pa ng behind? syempre hindi manonood mga bata. hindi dadalhin ng mga magulang ang mga batang-paslit nilang mga anak sa ganung klaseng movie. kaya ayan, nilangaw!

    • Ateng, anong pirate? Tapos na ang kontrata ni Chard at di na siya nag-renew sa Kamuning network. Effect lang yan ng sobrang vetsin. Aw!

      • Anong mali doon ateng? Wala naman akong sinabing may kontrata pa siya kaya siya kukunin ng Pirate Network. Bagay lang talaga siya doon. At Pirate Network naman talaga ang Ignacia. Defensive agad??? hakhakhak!

      • nyahahahah kawawa naman si retsard, naghahanap ng pugad, hahaha…mataas kasi ang mga Pride ng Pamilyang yan, lalo na ang kanyang Mother,,,hahahha unang nakipag away si bisaya sa mga executive ng Abs cbn, ng makapasok na sai Gma, ganoon din ang ginawa, nakipag away din,,pati pala sa T.V.5.may inaay din yang mataas na Executive,,hahaha sakit ng ulo yang si Bisaya,,,dapat i give up na lang niya ang pagiging Talent Manager,,,,hahahah kulang ng Diplomasya,,,,,wala namang Network ang lumuluhod sa isang talent Manager…ang talent manager ang Lumuluhod sa mga Network, para mabigyan ng trabaho ang mga alaga nila,,,nyahahah

      • Buti nga sa pamilyang yan pati sa honorary member na si Sarah Lahbati. If I know, malaming pakana rin ni bisaya ang pangwawarla ni Lahbatiba sa GMA. Hakhakhak!

    • Kahit nga sina Dingdong at Marian, mas pinili gumawa ng movies sa Star Cinema at hindi sa GMA Films para tumaas ang star value nila. Mautak ang mangers nila, di ba? Aw!

      • nyahahaha baka naman, ang star cinema ang nag effort na gumawa sila ng Movies sa Stariray Cinema  nyahahhaa hindi nangaling kina Dongyan first move,,,nyahahahah….Primetime queen at Prime time na sila ng GMA..nyahahaha mababa ba ang  Star value nila,,,hahahah….saan ba ang utak mo palaging nakatuon   hahahah doon ba sa Bulok na Building sa Mother Ignacia,,,hahahhaa…

  3. MAHIRAP TALAGA PAG WALA KANG TALENT AT LOOKS LANG NG PUHUNAN. TIME WILL COME NA MAGSASAWA RIN ANG MGA TAO MORE SO KUNG DI NA MASYADONG BATA. KAYA NGA NAGHAHANAP NA LANG SA HALIP NA PAG-AGAWAN NG MGA NETWORKS. FREELANCER NA LANG SYA AT SURE NAMAN NA MAY KUKUHA PA NAMAN SA KANYA KAHIT SUPPORTING ROLES. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.