Richard Gutierrez, nabulol kay Cristine Reyes – Gorgy Rula

SI CRISTINE REYES ang ipinalit kay Heart Evangelista na ka-partner ni Richard Gutierrez sa pelikula nitong Patient X at ang kuwento nila, nagkanda-bulol-bulol daw si Richard nang makaeksena nito si Cristine,

Paano ba naman, hindi raw nito akalaing ganu’n na ka-sexy ngayon si Cristine.

Kaya iniiwasan ni Tita Annabelle na pag-usapan ang ibang isyu dahil ang gusto nila naka-focus lang kay Cristine para sa promo ng pelikulang ito.

Nagtataka si Tita Annabelle kung saan nanggaling ang kumalat na isyung tanggap na raw nila si Jewel Mische bilang kasintahan ni Richard. “Out of proportion ‘yang Jewel Mische na yan. Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yan. Basta ang gusto kong pag-usapan ang Patient X ni Richard at ang TV special niya sa GMA. Hindi ko alam ‘yang Jewel Mische na iyan,” pahayag nito.

Sinundan namin ng tanong kung totoong ipinakilala na raw sa kanila ni Richard si Jewel, “Hindi! Hindi totoo iyan!’ pakli nito.

Kapag sina Richard at Jewel naman ang tinatanong namin tungkol sa kanilang dalawa, isang makahulugang ngiti lang ang sagot nila at ayaw na nilang mag-comment.

Pero halata namang pareho silang in love, kaya lang mas pinili nilang manahimik na ang para hindi na magulo.

Wilma Galvante at Annabelle Rama, nagharap sa muli QC-RTC

MULI NA NAMANG nagharap sina Ma’m Wilma Galvante at Tita Annabelle Rama sa QC-RTC nu’ng nakaraang Biyernes.

Pero sa mediation sila nagharap bilang isa sa proseso ng kasong ito na baka puwede pa silang mapag-ayos.

Bago pa man nagsimula ang mediation, alam na ng lahat na malabong magkaayos ang dalawa dahil mainit na ang hidwaan nila.

Pursigido na si Ma’m Wilma sa kasong isinampa, kaya hindi man lang yata umabot ng 30 minutes nang magharap sila sa mediator na si Atty, Ramon Dacanay, natapos agad dahil desidido na silang hindi magkaayos.

Hindi na sila nagsalita tungkol sa nangyari sa mediation dahil bawal ito. Pero inamin ng kanilang abugado na failure and futile ang mediation kaya ang sabi ni Atty. Dacanay, isa-submit na raw nila sa korte ang resulta ng mediation na iyun kaya ii-schedule na raw nila ang pre-trial ng kaso.

Sabi naman ni Tita Annabelle, nag-e-enjoy raw siya sa kaa-attend sa hearing kaya kahit may sakit daw siya, talagang pumunta ito dahil kailangan. “Basta, tuloy ang laban,” sabi nito.

Hindi na nagsalita si Ma’am Wilma, pero ang sabi ng kanyang abugado na si Atty. Freddie Villamor, desidido na silang ituloy ang kaso pero kailangang sundin nila ang order na dumaan muna sa mediation kaya dumalo sila. Pero tuloy daw ang kaso at sundin na lang daw kung anong desisyon ng korte.

Inamin din ni Atty. Villamor na apektado ito sa mga sinabi ni Tita Annabelle laban sa kanya lalo na sa asawa nito kaya abangan na lang daw kung ano ang susunod na hakbang na gagawin nila.

May balak ba silang magsampa ng demanda laban kay Tita Annabelle? “Tingnan na lang natin,” makahulugang sagot nito.

By Gorgy’s Park

loading...

19 thoughts on “Richard Gutierrez, nabulol kay Cristine Reyes – Gorgy Rula

  1. pano di mabubulol si zorrot eh! di naman marunong umarte talaga yan, ginawan u pang big deal ang bulol issue kay pokpok cristine sa kasexyhan nya!… naku! tugilan nyo nga yang kaKornihang publicity gimick na yan! nakakairita!!

  2. pag may article ka about richard lagi mo na lang isinisingit yang jewel na yan pinapasikat mo pa sa pamagitan ni richard excuse me…………..no bobo!!!!!!

  3. kung totoong mahal ni chard si jewel sana matagal na ito lumabas saan mo naman nakuha yan at sana siya ang napiling i-partner kay chard noh dahil si chard ang one of the producer sa project ng patient x baka si chard din ang may gusto na si cristine ang magiging kapartner dahil may crush yata sya kay cristine hmmmm

  4. hoyyyyyyyy baklang bayaran lagi mong ipinagpipilitan c richard kay jewel kung tlagang mahal nya yan dpat proud sya sa nameless n yan no!!!

  5. sosyal naman talaga at sexy si cristine kaya nabulol si chard at tahimik lang sya hinde plastic gusto ko sila ni richard may chemistry ill watch this movie patient x

  6. bakit k cristine sya nabulol at hindi nung nakapatay sya ng pasahero nya dahil sa kanyang pagiging kaskazorrot?

  7. pasalamat ka ineng at lumipat ka sa dos or else chepanggang slut k prin ngayon sa syte atleast di ka na slut,,sossy biatch ka na ngayon o diba….di hamak na mas magandang pakinggan ang BIATCH kaysa sa slut….
    atleast ang mga talent ng dos very demure nd classy bitch……..
    eh sa sytee mga bitch nga pero mga askal na palaboy sa lansangan,trying hard!!!

  8. Pano naman ever since naging Kapamilya si Cristine naging mas hot siya at napansin. Dati kasi hindi pa siya ganon ka sosyal.

    • youre rite!naging sosyal si christine ng lumipat sa abs,kng hindi lumipat yan at nanatiling kasuso,malamang kalevel pa rin si katrina…s*x object not actress….gets nyo ang malaking pagkakaiba?????

  9. cristine and richard have chemistry parehong hot and gorgous cant wait this movie sana ma-develop na sila hmmm i love them

  10. sya ang sinasabing malapit na kaibigan ni chard na nagsabi sa kanya sa hospital na patay na si Nomer see?! si jewel talaga at si chard. which is so nakakaimbyerna na si mame annabelle kasi isanghampas lupang mahirap lamang si Jewel hehe. tapos maarte pa hehe.

  11. Ang dapat na hinaharap ni Richard ay yung kaso nyang reckless imprudence resulting to homicide!

    Ano ang laman ng counter-affidavit nila nung hearing nung August 28?!?

  12. “out of proportion” daw si jewel mische according to annabel? patawa talaga ‘tong si Annabel. Puro nonsense ang lumalabas sa bibig ng gurang na ito!

Leave a Reply

Your email address will not be published.