Richard Gutierrez, naagawan ni Dingdong Dantes

Richard-Gutierrez-Dingdong-DantesNAGKAROON TALAGA ng lamlam bilang masamang epekto sa popularity ni Richard Gutierrez ang pansamantala niyang pamamahinga sa kanyang career. Hindi man sinasadya ang kumpitisyon, pero si Dingdong Dantes na sinasabing pumapangalawa lang kuno kay Chard noon bilang Hari ng GMA-7 ang nakinabang sa halos isang taon ding pananahimik ng career ng brother ni Ruffa Gutierrez. Kay Dingdong na rin ibinigay ang turing na Primetime King ng Kapuso Network.

Dati na talagang masipag si Dingdong, kaya nu’ng ipagkatiwala na sa kanya ng Siyete ang trono bilang Primetime King ay walang kumontra. Bagkus, marami ang natuwa para sa guwapong aktor, dahil bukod sa masipag ay napakaamo ng karelasyon ni Marian Rivera sa maraming tao sa showbiz. Hindi rin ningas-kugon ang pagtitiwala ng GMA sa kanya, dahil sunud-sunod ang magagandang teleserye na kanyang ginagawa, habang ratsada rin siya sa paggawa ng pelikula.

Ang huling matinding pagtitiwala ng Siyete kay Dingdong ay ang ipareha siya kay Maricel Soriano sa bago niyang teleseryeng Ang Dalawang Mrs. Real kasama rin si Lovi Poe. Matatag na si Dingdong sa showbiz, dahil ilang ulit nang nakabangon ang career niya. Si Richard ngayon ay kailangang makiramdam kung pagkatapos niyang aminin na mayroon na nga silang anak ni Sarah Lahbati ay kung matatanggap pa rin siya ng publiko sa kanyang pagbabalik-showbiz.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

4 thoughts on “Richard Gutierrez, naagawan ni Dingdong Dantes

  1. Pingback: Richard Gutierrez, naagawan ni Dingdong Dantes - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.