Richard Gutierrez, malaya nang magtrabaho sa Dos

NGAYONG TAPOS na ang kontrata ni Richard Gutierrez sa GMA-7, malaya itong mag-guest sa shows sa ibang networks, gaya ng ABS-CBN at TV5.

Sa linggo ng gabi, makikipagkulitan ang dating Kapuso Prime Star kay Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice.

Kahit may trangkaso, game si Chard na sumabak sa masayang taping ng GGV nitong nakaraang Wednesday night lang.

Binuking pa ni Vice kung sino ang naging ultimate love ni Richard among his past girlfriends na tsinika raw ng ate n’yang si Ruffa Gutierrez sa una na magkasama sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Binisto rin ng phenomenal box-office star kung gaano protektahan ng binata ang current girlfriend nitong si Sarah Lahbati.

Nalungkot naman ang Unkabogable Star na hindi makapagge-guest ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang show para i-promote ang pelikula nitong Kung Fu Divas with the Comedy Queen no less, Ai-Ai delas Alas, dahil wala sa list ang GGV among the Kapamilya shows na approved by GMA-7 na maaaring labasan ng aktres para sa promo ng nabanggit na pelikula.

Gustung-gusto pa naman daw ng komedyante si Marian, kaya nanghihinayang ito sa pagkakataon na makapagloka-lokahan silang dalawa sa kanyang top-rating Sunday night show.

Abangan din si Vice tonight at 11 sa kanyang last Friday TGISeptember sa Laffline comedy bar sa may Timog Avenue sa Quezon City para sa isang set na gaya ng ginagawa n’ya bilang stand-up comedian noong hindi pa s’ya artista at para rin patuloy na i-promote ang kanyang hit record album.

 

MAGTA-TATLONG BUWAN na pala ang ipinagbubuntis ni Melai Cantiveros na kauna-unahang anak nila ng kanyang boyfriend na si Jason Francisco.

Kasalukuyang nasa kanila raw sa GenSan ang magkasintahan, dahil namanhikan ang aktor at ang pamilya nito sa pamilya ng komedyana.

Ang balita kasi namin, nais daw ng mga magulang ni Melai na magpakasal ang dalawa, kaya any monument ay ikakasal na sila.

Maselan din daw ang pagdadalantao ni Melai, kaya napagdesisyunan daw nito na kailangan n’ya munang umuwi ng probinsya nila at magpahinga pansamantala sa pag-aartista, kahit malaki-laki ang kinkita n’ya, lalo na sa paglabas sa Banana Nite at Banana Split Extra Scoop.

Anytime naman daw, welcome pa ring bumalik sa mga nasabing show sa ABS-CBN ang komedyante, kahit kasalukuyan s’yang nagbubuntis hanggang bago s’ya manganak, dahil gusto pa rin s’yang tulungan ng kanyang mga producer sa mga naturang palabas, lalo ngayong magkakaanak na s’ya.

Kahit paano ay may naipon naman daw sina Melai at Jason mula sa kanilang pag-aartista, kaya lang ay matitigil daw muna ang pagpapagawa ng bahay ng una para sa kanyang pamilya, ayon sa aming source.

Samantala, nabalita na ayaw nang mag-artista ni Jason at balak na lang nitong maging seaman.

Marami lang ang nanghihinayang sa pagkakataon na ibinigay kay Jason sa mundo ng showbiz, dahil alam naman ng lahat na maganda ang kita rito kung marunong ka lang mag-alaga ng career mo at marunong ka ring mag-ipon.

Napakarami rin kasi ang nangangarap makapasok sa showbiz at mapunta sa kinalalagyan ng dalawa.

Pero sino ba naman tayo para humusga sa pagmamahalan nila at desisyon nila sa panibagong chapter ng buhay nila na gusto nilang tahakin?

Sabi nga raw ni Melai sa isang kaibigan n’ya: level up na kami (sa relasyon nila).

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

17 thoughts on “Richard Gutierrez, malaya nang magtrabaho sa Dos

  1. Pingback: Richard Gutierrez, malaya nang magtrabaho sa DosLatest Showbiz Scandal | Latest Showbiz Scandal

  2. KAYA SIGURO PANAY ANG PARINIG NILA NA WALA NA SILANG CONTRACT SA GMA, BAKA HINIHINTAY NILANG ALUKIN SILA NG ABS, EH PARANG HINDI RIN NAMAN INTERESADO ANG DOS SA KANILA, PATI SA STAR CINEMA NAGPAPARINIG DIN DATI NA LIBRE NA SIYANG GUMAWA SA IBANG FILM OUTFIT.. NAIINGGIT SIGURO SI ANNABEL SA CAREER NGAYON NI DINGDONG NA SECOND FIDDLE LANG KAY RICHARD NOON SA SYETE,  TINGNAN NIYO NAMAN NGAYON, NAKAKADALAWANG AWARD NA SIYA DAHIL SA STAR CINEMA, TAPOS NGAYON MAY MOVIE NA NAMAN SIYA WITH BEA ALONZO, HATAW NGAYON ANG CAREER NI DINGDONG

  3. OK LANG SANA KUNG KUNOT-NOO LANG ANG ALAM NA ACTING NI RICHARD, PWEDE NA SANANG  PAGTIYAGAAN NG NETWORK YAN  SIGURO KUNG NAGING MABAIT LANG ANG NANAY NIYAN BAKA MAAWA PA ANG MGA BOSSING DIYAN

    • KASI NUNG KASIKATAN NIYA SA SYETE NOON, SUMOBRA ANG YABANG NI ANNABEL, AS IF BABAGSAK ANG GMA PAG PINULL-OUT NIYA ANG ANAK NIYA DOON, KAYA NAGING SOBRANG DEMANDING, NI HINDI NAMAN NAABOT NG ANAK NIYA ANG LEVEL NG KASIKATAN NI DANIEL PADILLA

  4. WALA RIN NAMAN PINAGKAIBA SI CHARD SA MGA STARLETS NG KAPUPO, ALAM NA NILA KUNG SINO SINO SILA HAHAHA, ITANONG NYO KAY JOHN FONTANILLA HAHAHA

  5. WHAT……… MAGSE…SEAMAN…….C JASON WAG KANA MAG…SEAMAN…… UY……..MAGARTISTA KA NALANG MARAMING MGA GRADUATE NG SEAMAN NA D MAKAPASOK ISA NA AKO DUN…..DADAGDAG KAPA… NASA SHOWBIZ KANA IPAGPATULOY MO NA LANG ANG CAREER MO DYAN…….WAG MO KAMI AGAWAN NG TRABAHO  SA SEAMAN MARAMING D NAKAKAPASOK……..NASA SHOWBIZ KANA IPAGPATULOY MO NA LANG ANG CAREER MO DYAN…

  6. PAPALUBOG KASI ANG CAREER KAYA DI PURSIGIDO NA PAPIRMAHIN ULIT NG KONTRATA NG GMA. SIGURO SAWA NA RIN MGA TAO SA GWAPONG MUKHA NA WALANG TALENT. SABAGAY, MANA MANA LANG YAN.

  7. CAN’T ACT. CAN’T DANCE. CAN’T SING. ANO PANG IPANGLALABAN NYA? FEZ LANG ANG MERON SYA. KASO, TUMATANDERS NA RIN AT TATAY NA.

    • Agree, face lang ang pambato, in showbiz world, kailangan talaga mag level up ka sa ibang mga newcomers lalo nat may mga talent na ngayon ang iyong beginners.

    • At saka, naapektuhan rin itong retsard na ito sa kamalditahan ng ina at palaaway na sister rufingfing, kaya , na turn off yong ibang tao dahil parang mataas ang mga tingin nila sa kanilang sarili.  Sa dami pa namang pulubi sa Pinas pero itong pamilyang ito, walang inatupang kundi away here at away there.  Ipinakita pa naman ang mga bags ni Anabil during Kris TV pagkatapos, ang maldita ng ugali, sa daming nagugutom ngayon sa Pinas, this anabil woman should have just acted humble.  Kaya yon, lahat anak affected ang career dahil sa malditang bibig nya.

    • Pano nmn d malalaos yan eh dramang drama na ang mga kaeksena nya siya pinanlalakihan lang ng mata ang ginagawa. Drama na sa kanya yun. Tagal na nyang artista d pa din natutong umarte. Ham actor tlga kaya nalaos.

Leave a Reply

Your email address will not be published.