Richard Gutierrez, kapalit ni Mark Anthony sa movie ni Claudine Barretto!

Mukhang nakasanayan na nitong alaga kong si Yasmien Kurdi na walang trabaho dahil naka-focus na lang ito sa pag-aaral niya.

Ang dami na nitong tinanggihang project dahil kung hindi naman daw siya masaya sa role na ibinibigay sa kanya, mas mabuting magpaka-busy na lang daw siya sa pag-aaral. Bongga ‘di ba?

Mas masaya na raw siya ngayon sa simpleng buhay na hindi ngarag sa schedule ng taping at shooting kundi uwi na lang ng bahay pagkatapos ng pag-aaral.

Ipinangako niya pala ito sa Daddy niya na kailangang tapusin niya ang kanyang pag-aaral kaya tutuparin daw niya ito.

Pagka-graduate nga niya sa New Era University, balak naman niyang mag-aral sa ibang bansa. Baka raw sa London siya mag-aaral kaya wala na siyang pakialam kung tumaba siya dahil hindi naman daw siya lumalabas sa TV kundi pa-guesting-guesting lang.

Ang huling guesting pa lang niya so far ay sa Starstruck 5 at wala na siyang tinatanggap.

Nagtataka naman ako kung nakapag-ipon ba ito nang malaki-laki at kaya niyang tustusan ang pag-aaral niya kahit walang trabaho.

Nakapag-ipon naman daw siya at tinutulungan naman daw siya ng Daddy niyang nasa Lebanon, bukod sa scholar naman ito sa eskuwelahan niya. Kaya bilib din naman ako rito kay Yasmien kung mapanindigan niya ito at matapos ang kanyang pag-aaral.

Wala lang akong balita kung tuloy pa rin ba ang kasong isinampa niya noon kay Baron Geisler.

So far, ‘yung kaso pa rin sa anak ni William Martinez ang hinaharap ni Baron at wala pa ang kay Yasmien.

HINDI NA RAW muna matutuloy ang pelikulang pagsasamahan nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez.

May tampuhan pa rin yata ang dalawa at sabi naman ni Mark, hindi pa niya ito magagawa sa ngayon dahil sisimulan na nito ang Diva na pagsasamahan nila ni Regine Velasquez.

Kaya ang kinuha ng Viva na pumayag naman agad ay si Richard Gutierrez.

Maganda raw ang project sabi ni Anabelle Rama at first time pang makakasama ng anak niya si Claudine.

Ang pagkakaalam ko kasali rin dito si Anne Curtis kaya mukhang maganda na ang casting at ewan ko na lang kung magsasama pa sina Claudine at Mark Anthony.

Sa susunod na buwan ay magsisimula na raw sila ng shooting at siguro isasabay na rin ito sa Captain Barbell ni Richard.

Pagkatapos ng Full House ay itong Captain Barbell daw ang kasunod, kaya tuluy-tuloy ang trabaho ni Richard.

Dinig ko inalok pa nga raw sa kanya ang hosting ng Survivor Philippines 3 pero hindi raw kakayanin ng aktor dahil ilang buwan rin siyang mawawala kung sakali.

Ang dami raw natanguang commitments ni Bisaya para kay Richard kaya imposibleng iwan daw ito ni Richard.

Umakyat pa ang kasong isinampa ni Richard laban sa PEP at meron din siyang kasong kailangang harapin, ‘yung sa asawa ng namatay niyang PA, kaya hindi naman daw ito puwedeng iwan ni Richard.

Nanghihinayang man si Richard dahil maganda sana talaga itong Survivor pero wala siyang magagawa dahil hindi niya puwedeng iwan ang naka-line up na trabaho.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Richard Gutierrez, kapalit ni Mark Anthony sa movie ni Claudine Barretto!

  1. naku si retsard ang humiling na ibigay sa kanya anf survivor pero kay Dingdong dantes talafa inooffer ang trabahong yun… hindi bafay si retsard noh at hindi magaling maghost yan!!
    para sa akin mas bagay si Dingdong o di kaya si Chris tiu..

    laos na yang retsard na yan!!

  2. excited na ko sa comeback movie ni Claudine! lahat ng movies nya super hit talaga. sana matuloy pa rin ang claudine at mark movie!

Leave a Reply

Your email address will not be published.