Richard Gutierrez is the highest-paid Kapuso star at P40-M per year; Heart Evangelista’s talent fee is higher than Marian Rivera’s!

PUMUTOK LAST WEEK ang isyung nagpakasal na diumano several years ago si Derek Ramsay sa dati nitong girlfriend na isang Filipino-Indian dito sa Pilipinas.

But is it true na matagal nang alam ng isa pang dating girlfriend ng aktor na isa sa mga lead star ng Temptation Island na si Solenn Heussaff ang tungkol sa isyung kasalan?

Inamin diumano ni Derek kay Solenn nu’ng magkasintahan pa sila na napilitan lang umano ang una na pakasalan ang kanyang Fil-Indian girlfriend prior to her, ayon sa isang mapagkakatiwalaang source.

Nanatiling tikom ang bibig ng Derek hanggang ngayon tungkol sa usapin na sa pagkakaalam namin ay very busy sa shooting ng kanyang bagong pelikula with Anne Curtis at Cristine Reyes, at sa taping ng The Biggest Loser.

Isa rin sa inaabangang boses sa likod ng issue na ito ay ang current girlfriend ng hunk actor na si Angelica Pa-nganiban.

Tanong ng bayan: Pinaalam din daw kaya ito ni Derek kay Angelica nu’ng nililigawan pa lang n’ya ang dalaga o nu’ng bago pa lang sila naging magkasintahan?

In fairness naman kay Derek, kahit noong nililigawan pa lang niya si Angelica, wala itong inilihim sa dalaga tungkol sa kanyang past relationships. Kaya siguro deadma na lang si Angelica sa isyu.

NALOKA KAMI NANG malaman namin kung gaano kalalaki ang halaga ng mga guaranteed contracts ng ilang prime stars ng GMA 7!

Totoo kaya na ang sikat na aktor na si Richard Gutierrez ang highest paid among all the Kapuso Network celebrities na ang balita namin ay tumataginting na 40 million pesos per year diumano ang kontrata?

Nangunguna naman daw sa listahan ng highest female celebrity earner sa Siyete ang misis ni Ogie Alcasid at Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na ang kontrata sa isang taon ay nagkakahalaga diumano ng P30M.

How true na sumusunod naman daw kay Regine sa listahan ang kapwa mga bida ng Temptation Island na sina Heart Evangelista na ang ha-laga umano ng kontrata n’ya ngayon para sa isang taon pang pamamalagi sa GMA-7 ay halos 20 milyong piso, habang ang kontrata naman umano ng Primetime Queen ng natu-rang istasyon na si Marian Rivera ay P16.5M?

Tama rin kaya ang aming napag-alaman na tumataas ang kanilang mga kontrata ng sampung porsyento kada taon?

HINIHIKAYAT NG HOTEL Sogo sa pangunguna ng kanilang chief o-perating officer o COO na si Mr. Gus Corpus ang ating mga kababayan na lumahok sa tinatawag na pillow fight activity na hindi raw nakakasakit o nakakadis-grasya sa mga kalahok, bagkus masaya.

Gaganapin ang pillow fight event dito sa atin sa huling quarter ng taon para malampasan natin ang world’s largest pillow fight noong November 14, 2008 sa Minehead Butlins in Somerset, UK na nilahukan ng 3,706 participants.

Ang malilikom sa nasabing event ay mapupunta raw sa isang charitable institution.

Present sa launch ang ilang members ng sexy girl group na Baywalk Bodies at ang mga matitipunong miyembro ng Hotmen, at si Janina San Miguel na mukhang nadagdagan ang timbang at prim at proper pa rin ang upo, kahit sa loob ng sasakyan, ha.

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter, too, @francissimeon.
Franz 2 U
by Francis Simeon

Previous articleCharice is a victim of cyber-bullying!
Next articleKC Concepcion’s non-obedience to Sharon Cuneta, cause of the mother-daughter feud?!

No posts to display