Richard Gutierrez, ipinagsisigawan ang pagiging single!

EXCITED NA IKINUWENTO ni Richard Gutierrez ang kissing scene niya sa apat na leading ladies sa pelikulang My Valentine Girls with Rhian Ramos, Lovi Poe, Eugene Domingo at Solenn Heussaff. Ayon sa Box-Office King, pinakamahaba ever ang halikan nila ni Solenn. Nagtataka nga raw siya kung bakit hinayaan lang sila ni Direk Andoy Ranay na magkaroon ng ganoon katagal na kissing scene.

Ano ang naging reaction ni Solenn sa eksenang ‘yun? “Wala lang, maganda ‘yung eksena so, walang nag-complain. Actually, we were just having fun. Excited din kami sa kalalabasan ng shots so, walang complaint. Nakangiti nga kami the whole time! Maraming takes. Maraming anggulong kinunan si Direk. Parang may special na gagawin si Direk sa eksenang ‘yun.

“Sinadya talaga ni Direk Andoy na mahaba ‘yung eksena. Hindi naman kami nagtatanong ni Solenn so, nu’ng take na, tuloy-tuloy lang kami. Ang tagal-tagal mag-cut ni Direk. Pagkatapos naman ng eksena in-explain naman niya sa amin kung saan gagamitin,”paliwanag ni Chard.

May tsikang hindi naman daw ‘yun ang first time na naghalikan kayo ni Solenn? “Marami nga ang nagsasabing on and off camera naghahalikan kami. Hindi naman totoo ‘yun. Ngayon lang nangyari ‘yon kaya ginalingan namin and we want to make it perfect. It’s for everyone,” sabi ng binata.

Hindi ba nagkaroon ng ilangan habang kinukunan ‘yung passionate kissing scene ninyo ni Solenn? “We’re comfortable with each other. Mahalaga ‘yun, since first time ni Solenn magkaroon ng kissing scene. Mahalaga ‘yung magkaibigan kami, hindi kami nagkakailangan.”

Nag-birthday sina Richard at Raymond last January 21, anong b-day gift ang binigay sa ‘yo ni Solenn? “Actually, Solenn is working now on the painting that she said na gagawin niya, birthday gift niya sa akin. No rush naman dahil hindi naman madaling gawin ‘yun. I think, hindi na niya ako kailangan sa harap niya dahil kilalang-kilala na niya ako. Feeling ko, kaya niya dahil magaling siya.”

Is there any posibility na maging kayo ni Solenn? “We get along. Let’s see kung ano ang mangyayari. As of now, we’re enjoying our time being single. It’s nice to take your time. Not jump into anything you’re not sure of. Now, I’m taking my time and really busy right now.”

Ibig kayang sabihin ni Richard na single siya ngayon? “Yes! I am single right now. So, I think I’ll take my time. Work, work, work first until isipin ko kung ano ang mangyayari.”

As in, wala talagang lovelife? “It’s hard to say, it’s dead! Ha!Ha! Ha! It’s up to the perception naman ng isang tao if it’s alive or not. You can be single and you know, still loving and exploring kung ano ang tama at dapat para sa ‘yo. Kasi it’s also knowing yourself. Before you hand a person your heart, you have to know youself first. I guess it’s a process. I mean, as you look for the right one, you’re looking how to perfect yourself.”

Lesson na natutuhan ni Richard sa past relationship niya? “Marami siyempre. I mean, life is a journey at kung ano ang matutunan mo sa journey, ‘yun ang babaunin mo forward. Marami akong natutunan. I guess I’ve matured now. I know myself better. I think, I’m also in pursuit of improving myself in different areas. Alam ko more or less ang strengths and weaknesses ko as a person.”

Si Richard daw ang tipo ng lalaking hindi na binabalikan ang mga nakarelasyon. “That’s been  on my track record,”  say  niya.  Ibig  kayang sabihin ng actor na puwede siyang ma-in love kay Solenn? “Let see! I need to find out first kung ano ang nararamdaman ko ‘coz right now, I’m really focus on my work and darating din ang panahon… Pagdating kasi sa relationship, hindi naman dapat hanapin ‘yon. Kusang darating ‘yon kung ready ka na rin!”

Balitang take one lang daw ang kissing scene ninyo ni Eugene Domingo, how is it? “Ako, nakangiti lang kasi first time kong mag-kiss ng ganoon! Siya itong hindi makapagsalita at hindi kinayang panoorin ang eksena! Ha! Ha! Ha!”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

17 thoughts on “Richard Gutierrez, ipinagsisigawan ang pagiging single!

  1. ambisyosong bano! box office king daw sa panaginip??? naghahalusinasyon ata tong kriminal na to eh… MAS MAGANDA PANG MALAMAN KUGN KAMUSTA NA YUNG PAMILYA NG NAPATAY MONG PA MO DAHIL SA KAYABANANGAN MO MAG DRIVE!!!! ILANG TAON KANA SA SHOWBIZ BANO KA PARIN UMARTE!!!! KRIMINAL KA

  2. Richard Gutierrez just like his dad Eddie Gutierrez back in the 60's is
    just a hondsome actor but when it comes to acting, hindi gaanong
    talented. Mas magaling pa sa acting sina Jericho Rosales, Coco Martin
    at Piolo Pascual, in fact mas guwapo si Piolo kay Richard.

  3. wish ko matuloy this 2011,,pagsasama nila ni BEA ALONOS soon,

    RICHARD GUTTIREZ AT BEA ALONSO movie ,,starcinema at viva films ito,,,yeheyyy.bagay sila,,pero di papatulan ni bea ito,,magulo at maingay ang pamilya nila,,wahahah

  4. gwapo lang pero di pa ganap na acot just like JLC,JERICHO ROSALES,,COGIE DOMINGO,PATRCIK GARCIA,,DENIS TRILLO,,

    mas ok pang umarte si EDWARD MENDEZ sa kanya,,at si JC DEVERA,,hayyz,,nasasama sya tuloy s pagiging nega ng nanay niya,,wahah

  5. yesss,tamaaaa,,,,sikat lang sya pero di pa ganap na actor,,sila ni DERIK RAMSEY ,,,AT DINGDONG DANTES,,sikat klang sila,,pero wala pang challenging roles sa movies,,kaya wala pang award,,wake up!!!u need to be an actor naman,,t may silbi sa bayan,,,

    naging nega si chard after ng sunod sunod a karma nya,,kase daw may bad attitude talaga ito,,,sila pa ni jewel,,pero pinagsisigawan nyang single siya,,whahahahhhhlokohin mo nanay mo,,,mayaman lang kayo,,pero wala kayong breeding,,look at ure sister ruffa,,pinagsasawaan ni jlc!1wahahahh

  6. wala siyang kalatoy latoy pagdating sa acting. Bading na rin iyam gaya ng kambal niya pumapatol at nakikisawsaw na rin sa away babae

  7. Is the guy a kiss and tell ? Definitely NOT a box office king. Not even close. At saka, parang medyo kahawig na niyang sobra si Raymund na kakambal niya. Noon, alam mo kung sino sa kanila. Hindi kaya dahil medyo lumaki rin ang mukha ni Richard? Tumaba ?

  8. he's just gwapo but he still needs to improve a lot. agree john lloyd cruz is the box office king and a brilliant actor

  9. PLASTIK! Puro publicity lang ang nalilink sa kanyang mga babae para kumita ang pelikula nyang pipitchugin. Manggagamit!!! Pweh!

  10. another waste of space…i don't know how he became an actor when he can't even act..at hindi cya box office king its john lloyd

  11. ay,sori richard,di kita type…para kasing nag lalactum ka pa eh..in fairness…cute ka naman,kaso dun ka muna sa matrona mong mudra…hahaha…

Leave a Reply

Your email address will not be published.