Richard Gutierrez, ipakikilala si Jewel Mische sa tamang panahon! – Alex Brosas

MASAYANG-MASAYA SI Richard Gutierrez sa bagong resolution ng Department of Justice na pumapabor na idemanda niya ng libel ang Philippine Entertainment Portal (PEP).

Noong July 30, 2009, dinismis ng DOJ ang kaso ni Richard laban sa PEP editors. At noong Dec. 10, ni-reverse ng DOJ ang kanilang naunang desisyon.

“Siyempre nagulat ako. I didn’t expect na magkakaroon pa ng gano’ng klaseng decision kasi medyo matagal na ‘yon. But at the same time I was happy kasi nabigyan ng pansin ng DOJ ang kaso. They were able to reverse it, so there’s still justice,” paliwanag ni Richard sa presscon-cum-Christmas party for the press ng Gutierrez family noong Tuesday. Cover ng S magazine ang Gutierrez family sa kanilang Christmas issue kung saan ipinakita ang mansyon ng mga ito.

Si Annabelle Rama ang unang nagbalita ng good news kay Richard. Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng kampo ng aktor ang kanilang mga susunod na hakbang.

In the spirit of Christmas, mapapatawad ba ni Richard ang PEP?

“Parang ang dali, eh, ano? Pero wala pa kasi akong naririnig on the other side. They were never apologetic, they never approached us. Before that happened, we were very close to them. We treat them as friends. We invite them in our house. Ngayon, wala kaming natatanggap na text messages from them. Right now we’re gonna take the righteous path and let the court decide na lang,” sabi ng aktor.

Sa kanyang assessment, naging maganda naman sa pangkalahatan ang 2009 para sa kanya.
“A lot of good things happen to me in 2009. A lot of things happened to me but there are also some challenges. It was a balancing act for me. I was able to make my movie Patient X. I was able to release my own cologne for Bench and Coke and other big projects but there are also big challenges.Hopefully for 2010, things will be brighter, more easier.”

Ayaw pag-usapan ni Richard ang tungkol sa tsismis na girlfriend niya si Jewel Mische.

“When the right time comes, I will telly you personally. I don’t think its right to bluntly bring out her name in any of my interviews because there will come a right time.”

Ano ang status ng kanyang lovelife?

“It’s complicated!”

SOBRANG HAPPY NI Gabby Concepcion dahil after fifteen years ay nagkaroon siya ng pagkakataon na muling umarte sa big screen. Kasama si Gabby sa I Love You, Goodbye at leading lady niya rito si Angelica Panganiban with Derek Ramsay completing the love triangle.

Nadoble pa ang kasiyahan ng aktor dahil nakasama pa sa Metro Manila Film Festival ang kanyang movie.

“Talagang napakasaya ko kasi matagal na rin akong hindi nakagawa ng pelikula. Ang nakakatuwa pa, muli kong nakatrabaho si Direk Laurice Guillen. Napakaganda ng story ng movie namin. At ang gagaling ng mga artista ngayon lalung-lalo na sina Angelica at Derek,” sabi ni Gabby.

Ang isa pang ikinatuwa ng aktor ay sabay silang nag-host ng kanyang anak na si KC Concepcion ng Christmas special ng Dos.

“Hindi ko nga akalain na posibleng mangyari iyon,” say ng aktor.

TALAGA PALANG SADSAD na sa rating ang Sis nina Janice de Belen, Carmina Villaroel at Gelli de Belen. Tinalbugan na raw kasi ito ng Showtime hosted by Vhong Navarro and Anne Curtis.

Ang napakababang rating daw ng show ang siyang naging dahilan kung bakit tsugi na ang programa ng tatlong TV host. Papalitan na ito ng Bigay Todo, isang game show to be hosted by Bayani Agbayani.

Matagal na ring namayagpag sa ere ang Sis at isang Showtime lang pala ang makakatalbog sa kanila.

Ang tsika sa amin, hindi raw kasali si Janice sa Bigay Todo dahil hindi siya bagay. Sina Gelli at Carmina lang daw ang ka-join ni Bayani.

With this, tanging Darna na lang ang show ni Janice sa GMA-7.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

12 thoughts on “Richard Gutierrez, ipakikilala si Jewel Mische sa tamang panahon! – Alex Brosas

  1. Ms. IMEE,

    Don’t be judgemental. Hindi porke hindi sikat si Jewel Mische ay ikakahiya siya. Hindi lang showbiz ang buhay niya. Galing siya sa mabuti at may kayang pamilya. Ayusin mo kaya muna pag-eenglish mo bago ka manghusga ng ibang tao. Okay? salamat.

  2. Jewel mische is beauty and brain hnd lng showbiz ang inaatupag nya mas focus sya sa education nya sa UP Diliman sya nagaaral she is taking conservatory of music tapos nya na ata yun and she want to take a music ministry and sya ata ang pinaka bata and pinakamaganda na lady chopper pilot
    napaka disente pa swerte nga si Richard kay Jewel simple pa and magaling si richard pumili ng magiging Gf nya look back sa mga past Gf ni chard wow talaga pero pinaka the best c Jewel napakaganda ng personality na meron sya

  3. ewww jewel miche shes like 19 she/s like unkown to the world lol
    no offence but if richard introduce her . his going to embarrased himself !

  4. Typical crab mentality naman talaga ang mga pinoy very judgemental without knowing the facts. I think hes a good example sa mga kabataan. He works very hard and very obedient to hes parents. It doesnt matter where he grew up. We all humans and makes mistakes. Way to go ang pamilyang Gutierrez they stick to one another no matter what.

  5. alam ninyo guys, OK lang din sanang itago ang mga tunay na karelasyon ng mga artista, kasi nga iba ang mentalidad ng pinoy pagdating sa mga hinahangaan nila. pero ‘yung puntong manakit ka at mambastos ng kapwa, i think ‘yan ang hindi katanggap-tanggap kanino man!

    bilangin ninyo ang mga GULO na kinasangkutan ng artistang ‘yan!

    sa tingin ninyo ‘yan ba ang pwedeng maging “example” ng kabataan?

    ano na lang ang mangyayari sa pilipinas kung ganyan ang lahat ng kabataan?

  6. puro pakitang-tao ang ugali ni richard. ilang beses na ba nasangkot sa gulo ‘yan!

    ‘di ba noong una, nanuntok agad ng gate crasher sa b’day celebration nila ni raymond? pwede namang kausapin ng mahusay ang tao at paalisin!

    meron pang isa gulo na involved ang richard na ‘yan! ‘di ba noong dinuro-duro yata si aljur?

    tapos ‘yang insidente with michael flores! ayaw lang magsipag-salita ng mga nakakita sa restaurant dahil takot balikan at mawalan ng work!

    tapos ang pinakahuli nga ‘yung sa airport! ayaw lang magsalit ang airline dahil syempre takot mawalan ng parukyano. secondly, ayaw patulan ng ibang reporters ang balita dahil nabusalan ng ni annabil ng datung!

    super yabang ang richard na ‘yan pati na rin ang mga starlets na mga kaibigan niya!

    feeling actor eh hanggang ngayon HAM actor pa rin. hindi marunong umarte eh ang tagal-tagal na sa showbiz! ang ipinagmamalaki ‘yung award na nakuha sa KODAK award sa states eh prestigious ba naman ‘yon? dinadaan lang sa pa-pogi! ‘yun namang mga kabataang mahilig sa “gwapo daw?” pilit na ina-idolize!

    tingnan mo naman, unti-unti ng naka-karma. mababa na rating ng show! darating din ‘yan sa puntong mawawala ang ningning niyan dahil pagbabayaran din niya ang mga ginawa niya sa mga tao!

  7. HALA NAG TURO BA NG ENGLISH YANG SI RICHARD LAKING STATES YAN KAYA MARUNONG TALAGANG MAG-ENGLISH, TANGA!!! SAKA YANG MGA KANO HINDI LAHAT RIGHT GRAMMAR SA ENGLISH ANO BA…..LALO KA LANG NAGMUKHANG TANGA…SI RICHARD CONTROVERSIAL PERO PARANG BAD INFLUENCE NA NGAYON HE NEEDS TO CHANGE HIS IMAGE PARA NARIN SA MGA YOUTH NA NAG-IDOLIZE SA KANYA……
    SAYANG TALAGA YUNG CHARDGEL GOOD INFLUENCE SA KANYA SI ANGEL LOCSIN

  8. arte netong bakulaw na’to

    maraming filipinong nakakakita sa inyo ni jewel mische sa thailand immigration nung december 5. landi mo.

    tsaka wag ka na ingles ng ingles kung wrong grammar ka naman o kaya nagpapaka profound ka sablay naman

    righteous path daw… fyi, accdg. to merriam webster ang righteous means “acting in accord with divine or moral law”

    kaya ang righteous path ay magpatawad ka richard dahil yun ang utos at kagustuhan ng diyos

    ang right path for you naman ay magdemanda ka at hayaang korte ang magdesisyon dahil nga ayaw mo naman magpatawad. oh! now you know!

    tapos meron ka pang more easier. easier lang kung easier more easy kung more easy (dapat ba nga itong gamitin). kung magiinarte ka dapat much easier.

  9. bkit pa sasabihin eh alam nman ng mga tao na gf nya yang jewel na yan….no need na…itago na lang nila ibaon pa nila sa lupa ok lang…wlang pakialam ang mga tao…isama pa ni richard sa kulongan ok lang…di ba hndi pa resolve kaso nya sa mga pardo…tingnan ko lang kung hindi yan iiwan ng jewel na yan pag nakulong na yan

Leave a Reply

Your email address will not be published.