Richard Gutierrez, iniurong na ang kaso laban sa website

MAILAP SI RICHARD Gutierrez sa mga tanong tungkol sa lovelife. Ang sabi lang nito, inspirado siya ngayon.

“Mahirap naman na marami kang trabaho walang may nagbibigay sa ‘yo ng inspiration. Basta ‘yun lang muna ang masasabi ko, I’m inspired,” makahulugan niyang sagot sa amin nang nakapanayam namin ito sa taping ng Full House.

Hindi na niya idinetalye kung sino itong babaeng nagbibigay sa kanya ng inspirasyon. Darating din daw ang araw na io-open niya sa public ang kanyang lovelife. Huwag lang daw muna ngayon.

Nang nakatsikahan uli namin ang guwapong aktor sa Department of Justice nu’ng kamakalawa, kinulit namin sa kanya kung kailan niya io-open sa amin ang kanyang puso lalo na’t malapit na ang Valentine’s Day.

“You can ask me again next week,” paiwas na sagot sa amin. Tinanong namin ito tungkol sa isyu nila ni Jewel Mische, hindi kami sinagot at umiwas na ito.

Nasa DoJ nga naman daw siya para magkaayos na sila ng isang entertainment website, hindi para pag-usapan ang lovelife.

Nagkaayos na rin sina Richard at ang mga taong nasa likod ng entertainment website na pinangunahan ng editor-in-chief nilang si Ms. Jo-Ann Maglipon.

Ito’y kaugnay pa rin sa isyung pagdemanda ni Richard sa kanila dahil sa paglabas daw nito ng maling balita na tinutukan diumano nito si Michael Flores sa birthday party ni Direk Mark Reyes nu’ng nakaraang taon.

Dahil dito, nagdemanda si Richard ng kasong Libel laban sa entertainment website at lumaki na ang isyung ito.

Ngayon ay umabot na sa DoJ at ang ending, magkakaayos din pala sila. Marami ang naglakad na magkaayos sila dahil mahirap nga namang may kaaway sa maliit na mundo ng showbiz.

Isa si Ms. Anette Gozon-Abrogar sa mga nag-ayos nito dahil parehong malapit sa kanya ang involved dito. Kaya heto na nga sa harap mismo ni DoJ Sec. Agnes Devanadera, nagpahayag ng public apology si Tita Jo-Ann at ni-retract nila ang naturang balita.

Tinanggap ni Richard ang apology na ‘yun at kasunod nito ay pinirmahan na ang affidavit of desistance para hindi na ituloy ang naturang kaso.

Nagkabati sila at sinabi mismo nina Tita Jo-Ann at ni Tita Anabelle Rama na mababalik na sa dati ang maganda nilang friendship nang walang lamat.

Hindi na raw sila mag-iiwasan, kundi muli na silang magtsitsikahan at magtsitsismisan.

Parang nabunutan naman ng tinik si Richard dahil ayaw naman daw niya ng ganu’ng gulo. Gusto naman daw niyang maayos na ang lahat para maganda ang pasok sa kanya ng taong 2010 at iwan na ang mga hindi magandang karanasan nu’ng nakaraang taon.

Kaya sana maging open na sa amin si Richard na pag-usapan ang kanyang lovelife dahil mukha naman talagang in love ito, pero tahimik nga lamang.

MARAMI ANG NAGKAMALISYA nang nakitang magkasamang nanood ng concert ni Kris Allen nu’ng nakaraang Sabado sina Rhian Ramos at Victor Aliwalas.

Nahuli pang sinusubuan ni Rhian ng pagkain si Victor kaya siyempre napagdudahang merong namagitan sa kanila.

Pero super-deny si Victor dito dahil talagang magkaibigan lang daw sila ni Rhian.

Naging close sila nang magkasama sila sa Korea nang may tinanggap silang award sa isang fashion event.

Okay raw ang friendship nila at magkasama silang endorser ng PLDT MyDSL na isa sa mga sponsor ng concert na ‘yun nina Kris Allen.

Nag-i-enjoy lang daw sila nu’ng mga oras na ‘yun kaya huwag na raw sanang lagyan ng malisya dahil talagang friends lang sila.

Noon pa man ay paulit-ulit nang sinasabi ni Rhian na ayaw niya munang ma-in love sa ngayon dahil mas gusto raw niyang mag-concentrate sa trabaho.

Kaya sey rin ni Victor, burahin na ang intriga sa kanila ni Rhian dahil talagang wala raw at magkaibigan lang sila.

By Gorgy’s Park

loading...

One thought on “Richard Gutierrez, iniurong na ang kaso laban sa website

Leave a Reply

Your email address will not be published.