Richard Gutierrez, hirap ang dinanas sa set ng Survivor Philippines!

ABANGAN N’YO BUKAS sa Startalk ang exclusive interview ko kay Richard Gutierrez sa set mismo ng Survivor Philippines.

Siyempre, hindi ko naman puwedeng sabihin kung saan ito pero malapit n’yo na ring malaman, kasi sa August 30 na ito magsisimula.

Mga celebrity ang kasali rito kaya magugulat kayo na kung paano nakayanan ng mga celebrity castaways ang hirap na pinagdaanan nila sa isla.

Malaking hirap din daw ang pinagdaanan doon ni Richard dahil hindi naman daw nakukuha ang mga amenities doon na dati niyang nakukuha sa ibang lugar na pinupuntahan niya.

Naloka nga ako, ‘Day! Sandali lang ako du’n, takot na takot na ako dahil may mga ahas daw du’n at minumulto pa. Kaya talagang ibang challenge ito sa hosting job ni Richard. Sobrang involved lang siya sa project na ito kaya talagang pinaghandaan din niya nang husto.

Puring-puri siya ng mga staff dahil talagang sumasali raw siya sa miting at may sariling inputs siya na lalong nagpapaganda sa show. Celebrity kasi ang involved kaya bilang artista, alam niya kung ano ang maganda sa kanila.

Panoorin n’yo na lang ang kabuuan ng interview ko sa kanya at siyempre magpu-promote siya roon ng pelikula niyang In Your Eyes dahil wala siya rito para sa big promo ng pelikulang ito. Panay naman daw ang tawag niya kina Claudine Baretto at Anne Curtis para kumustahin ang promo nito dahil nahihiya nga raw siya dahil wala siya para tumulong sa promo nito. Tamang-tama namang sa August 18 pa ang balik nito sa Pilipinas at ‘yun naman ang showing ng pelikula nila.

LUMALABAN NAMAN ANG Ilumina sa katapat nitong Agua Bendita kahit nagsisimula pa lang ito. Mga bata pa lang dito sina Aljur Abrenica, Rhian Ramos at Jackie Rice kaya malamang na lalong bobongga ang rating nito ‘pag lumabas na sila.

Pero malaking tulong din ang participation nina Cesar Montano at Christopher de Leon para lalong lumaki ang dating ng bagong telefantasyang ito ng GMA Telebabad.

Talagang tinitiyak ng mga baklang alaga ko na magkakadebelopan itong sina Aljur at Rhian dahil nakikita na raw nila ng closeness ng dalawa sa taping nito. Kapag napaaga raw ng pack-up si Rhian, talagang hinahatid pa raw ito ni Aljur hanggang sa makasakay sa kotse.

Sabi naman ni Aljur, umuulan lang nu’n kaya pinayungan daw niya si Rhian para makasakay sa kotse nito. Siyempre nagpaka-gentleman lang naman siya. Isa pa naman ‘yun sa nagustuhan ni Rhian kaya puwede, ‘di ba?

Ewan ko lang kung sina Rhian at DJ Mo pa rin. Pero kung sakaling sila pa nga, I’m sure pagseselosan ito ni Mo. Malalaman din natin iyan! Abagan n’yo na lang!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

6 thoughts on “Richard Gutierrez, hirap ang dinanas sa set ng Survivor Philippines!

  1. TAPOS NA ANG PANAHON NG MGA MAIITIM ANG BUDHI.GUTYERES FAMILY,WILLIE REVILLAME,CRISTY FERMIN IK IK IK

  2. ISA PANG LAOS NA GUMIGIMIK SI RICHARD IK IK IK NAUNGUSAN NA NG HUSTO NI DINDONG DANTES

  3. naku ano bang hirap. wala pa rin siyang panama sa dating host ng SP. Sana hindi na siya inalis ng GMA. Galing pa naman niya. Akala ko naman ang SP ay sikat na celebrities, ay mga starlet lan naman then iyong iba naman never heard. On the other hand, okay na rin dahil akala namin ay puro alaga na naman ni Anevil ang ilalagay ni Annette Abrogar. Bakit kaya hindi pumapel si Annette this time.

  4. iyan namang mga artista pag may bagong pelikula or soap panay gawa ng gimik. Iba na ang viewers ngayon Lolita. Puro gimik lang iyan. Puwede ba magtrabaho kla sa startlk hindi iyong puro pasasalamat na lang ang ginagawa mo. Sulatan ko si Gozon dahil mali ang ginagawa mo. Sinusuwelduhan ka para maging host. Nauubos ang oras mo sa Startalk sa pagpapasalamat sa lahat ng tao na nahaharbatan mo

  5. Let the viewers see it Lolita. Gusto mo na namang makaharbat sa demonya niyang Ina. Buhay pa ba si Anabil at nanahimik na ang mabaho niyang bunganga o nakarma na at nagkaroon na ng Laryngitis. Si Edong na ama ni Chard bumalik na ba ang ball niya, Bakit nga ba ang galing mong magtsismis pero pagdating sa bunganga ng ina ni Chard bahag ang buntot mo. Sana isinali si Baklitang little siterrete niyang si Raymond sa SP

Leave a Reply

Your email address will not be published.