Richard Gutierrez, hinihingan ng P4-Milyon

HALATANG MASAMA ANG loob ni Richard Gutierrez sa ginawang pagdedemanda ni Lorayne Pardo, ang asawa ng namayapa niyang production assistant na si Nomar.

Itinatanggi ni Richard ang sinasabi ni Lorayne na wala silang ibinigay na tulong kahit singko.

Unfair naman daw ito sa kanya dahil buhay pa si Nomar, nagbibigay na ng tulong si Richard. Hindi nga raw ito alam ng Mommy niya na bukod sa binibigay niyang suweldo sa namayapang PA,  pinapag-aral pa niya ang panganay na anak nito. Alam naman daw iyan ni Lorayne.

Paliwanag ni Richard at ng abogado nitong si Atty. Agnes Maranan, hindi kagustuhan kanino man ang nangyaring aksidente na ikinasawi ni Nomar, muntik na rin nga raw  itong ikamatay din ni Richard, pagkatapos ngayon kakasuhan pa siya?

Dagdag na paliwanag ni Richard, pagkalabas niya ng hospital ay kaagad na pumunta siya sa burol ni Nomar. Nag-alok siya ng tulong sa pamilyang naiwan dahil naalala raw niyang nung nabubuhay pa si Nomar, laging sinasabi nitong ang gusto lang naman daw niyang mapag-aral ang mga anak niya kaya nag-alok daw si Richard ng tulong na pagpapa-aral sa mga bata. Meron daw siyang educational plan na inaalok pero hindi naman daw tinanggap nitong Lorayne. Ang gusto raw pala nito ay apat na milyong pisong cash na sabi nga ni Tita Anabelle, para na silang bina-blackmail.

Hindi naman daw magkakait ng tulong si Richard at ang buong pamilya nito, pero sa nangyayari ngayon parang lalo lang pinalala ang gulo kaya haharapin daw nila kung ano mang kaso itong isinampa ni Lorayne.

“Yung aksidenteng nangyari, dadalhin ko na iyan habang buhay eh. Pero ang nangyayari ngayon, lalo pang nagpalala sa sakit na nangyayari sa akin.  It was an accident. Wala pong may gustong mangyari ito, kahit po ako,” himutok ng aktor.

Suportado si Richard ng buong pamilya niya lalo na si Tita Anabelle na galit na galit sa ginawa nitong Lorayne. Tinawag niya itong traydor at tingin daw niya, merong taong sumusulsol para guluhin lang sila lalo na ang kanyang anak.

Sa kabila ng ganitong problema, hindi nakalimot si Richard sa patuloy na suporta ng mga manonood sa Zorro. Nanatili itong number one sa primetime at inaasahang lalo pang tataas ang rating nito sa nalalapit niyang pagtatapos. Ang susunod na gagawin ni Richard sa GMA 7 ay Fullhaus pero wala pang balita kung sino ang makakatambal niya dito.

Lalo raw tumitibay ang pamilya Gutierrez dahil sa mga pinagdaanan nilang problema.

SA KABI-KABILANG asunto, sinasabi pa ni Tita Anabelle na ini-enjoy raw niya itong kasong Libel na isinampa naman sa kanya ni Ma’m Wilma Galvante, dahil sinimulan naman daw ito ng naturang GMA executive.

Nu’ng nakaraang Biyernes nga ay nagkita na sila sa korte sa sala ni Judge Leah Domingo-Regala ng QC-RTC Hall of Justice.

Pagkatapos ng hearing ay tumuloy sila sa mediation pero ang abugado na lang ni Ma’m Wilma ang pinapunta roon.

Sa August 26 daw ang kanilang mediation at doon ay maghaharap sila uli dahil isa ito sa mga prosesong pagdaanan bago ituloy ang kaso.

Kung hindi sila mapag-ayos, tuloy nga ang kaso at tingin namin mukhang malabo ang pag-aayos kaya abangan na lang natin ang kahihinatnan ng kasong ito.

By Gorgy’s Park

loading...

15 thoughts on “Richard Gutierrez, hinihingan ng P4-Milyon

  1. PAG SI RECHARD HINDI NAGBAYAD NG 8MILYONG PISO SA PAMILYA PARDO AT 800,000 SA ABUGADO NG MGA PARDO WALA NA KULONG KA NA, S RECHARD PA NAMAN ANG GINTONG BIBE NI ANABEL.
    SASABI SABI SI ANABEL NA WALANG UTANG NA LOOB ANG MGA PARDO E SIYA BA TUMNAW NG PASASALAMAT SA GMA EH LAHAT NG ANAK AT ASAWA, TALENT NIYA AY EMPLEYADO NG GMA. PUNTA KA KAYA SA ABS CBN SANTOS NA CHANNEL DI KA OOBRA DOON MABAIT LANG TALAGA MGA TAGA GMA. KAYA LANG SA GMA WALANG PINOPROTEKTAHAN O KINIKILINGAN KAYA LAGI RIN KAYO SA BALITA. SA ABS CBN SANTOS PWEDE KAYO DOON PWEDE ITAGO AT DI KAYO IBABALITA.

  2. RICHARD

    oh one more thing….magpatayo na rin kayo ng bahay na malapit sa KORTE kasi doon na rin kayo parati kasi, yaman nyo naman .

  3. RICHARD…”Supercar Quickness and kick ass!
    Nissan tells us the GT-R will run from 0-100 km/h (62 mph) in just 3.5 seconds, slam through the quarter-mile in 11.7 seconds and top out at 193 mph.

    superbilis ang sports car na to and it cost nearly..$80k to 100k, let’s say ang mahal..at puwede talagang ipagyayabang.lol..mas mahal pa yon sa buhay ni Mr.PARD0 kaya di mo puwedeng idisgrasya to sayang nga lang at naaccident nga kasi ang bilis ba naman ng takbo kahit curb kaya yon totalled yong car sa lakas ng impact. I think dapat lang na kasuhan ka at managot. It is your responsibility to make sure your passengers are safe.

  4. 1 lng ang dpat gwin dyan………..
    busalan ang bi2g ni anabel…sya ang sumicra s
    fmilya nya.

    nd for god sake…..mnhimik sya
    dhl tlgng pwedeng mkulong anak nya kht sbihing
    akcdente un.

    kailn kya magpa2kba2 ng loob ang mga gutierrez?

  5. bakit kasi siya ang nag-drive kung sinasabi dati nila ruffa na galing pa siya ng taping at wala pang tulog at pagod na pagod…

    tapos kaskasero pa…tuloy, may nasawi pa.

    kelangan pa bang may mamatay para lang matuto yang richard na yan?!

  6. oyyyyyyy richard magpaliwanag ka nalang sa korte okey kasi according sa police report dong talagang speeding ka dong. noh kaya isaksak mo sa baga mo iyang accident accident na iya hah dahil kung hindi dahil sa recklessness mo sana may ama pa ang dalawang bata. okey explain explain pa kayo kayo ang may gana mag presyo eh kung totoo nga 4m iyan kulang pa iyon noh. labas ka nga sa monitor at masampal kita at kay mr. porkey or gorky sana kunin ninyo rin ang side ni mrs. pardo ha huwag magpabayad mga dongs hah. kalukah!!! hihigh bloodin ako dito sa topic na ito.

  7. dapat iasama c anabel na sampahan ng kaso. kahit saang anggulo tingnan richard is responsible for the death of Mr. Pardo! Go Mrs Lorayne Pardo ituloy mo ang kaso we will pray for you & your family. Sila na nga ng may kasalanan sila pa ang mayabang. Dapat maging leksyon naito kay Anabel Rama. Nasa panig ni Mrs. Pardo ang diyos.

  8. grabe tlga e2ng c anabil magsagot, npaka insensitive, ok lng magtaray bsta nsa lugar, eh ds tym obviously me ksalanan c retsard mo day, kya wag kang magtapang tapangan jan. sbgay yang klase ni bisaya mtpang lng yan salita. defense mechanism nya lng yan im sure takot na takot na ngaun c bisaya na pwedng makulong c retsard. hala lagot!

  9. RA 4136 – Land Transportation and Traffic Code:
    “Section 56. Penalty for violation….(n) If, as the result of negligence or reckless or unreasonable fast driving, any accident occurs resulting in death or injury of any person, the motor vehicle operator at fault shall, upon conviction, be punished under the provisions of the Revised Penal Code. ”

    “Section 48. Reckless driving. – No person shall operate a motor vehicle on any highway recklessly or without reasonable caution considering the width, …curvatures, visibility and other conditions of the highway and the conditions of the atmosphere and weather, or so as to endanger the property or the safety or rights of any person or so as to cause excessive or unreasonable damage to the highway.”

    Art. 365 of Revised Penal Code. “Reckless imprudence consists in voluntary, but without malice, doing or failing to do an act from which material damage results by reason of inexcusable lack of precaution on the part of the person performing or failing to perform such act…”

    Art. 249 of Revised Penal Code. “Homicide. — Any person who…shall kill another…shall be deemed guilty of homicide and be punished by reclusion temporal.” (exception: parricide if related; murder if deliberate, with malice or done for a consideration)

  10. 25 years old na itong si Richard, kumakapit pa rin sa madir? My god, grow up and act like a man, Richard. Pwede ka nang bumuo ng pamilya. Give your PA’s family just compensation and prove to everyone that an apple can in fact fall far from the tree. Yung paghihingi ng apology sa nawalan at pagbibigay ng tulong, lalo na kung $4M lang, ay di malaking kawalan sa iyo. Presyo pa lang ng mga bag na bitbit ng mahadera mong ina at paghahangin niya tungkol sa mga kaibigan niya sa Forbes eh malamang ilang oras lang na pagtatrabaho mo.

  11. If you are going beyond the set limit, it is not an accident. It is reckless driving resulting to bodily injury or death. In the Philippines, a driver that did what Richard did, normally is sent to prison that same day. They can post bail or for those that don ‘t have the money, will stay behind bars awaiting trial and sentencing. Why did this not happen to Richard? The insensitivity of Anabelle makes my blood boil. When she called the victim’s family traitors and when she said “hindi kami bumibili nang bangkay”. I hit the roof. I hope that the Pardo family wins this case. Richard’s words appear to be scripted. It will take more than this explanation to make readers believe him. Anabelle, give this family their due. Pray that your son does’t go to prison.

Leave a Reply

Your email address will not be published.