Richard Gutierrez, Has The Hots For Lovi Poe?

HINDI SINASADYA, AGAW-EKSENA si Lovi Poe sa mapanukso nitong suot na see-through sa special screening ng Captain Barbell sa The Block ng SM North with bonggacious dinner sa Gloria Maris. Naging center of attraction ang dalaga ng gabing ‘yun. Maging ang entertainment press ay namangha sa napaka-revealing outfit ng anak ng yumaong Fernando Poe, Jr.

Naging curious tuloy ang karamihan kung ano ang measurement ng waistline ni Lovi. Maging si Richard Gutierrez ay sinusundan ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa kahit nasa tabi lang niya si Solenn Heussaff. Pasimple lang ang hagod ng tingin ng anak ni Annabelle Rama kay Lovi na hindi nakaligtas sa mapanuri naming mga mata sa loob ng sinehan.

Alam ni Chard na halos himatayin sa tuwa si Lovi nang mapili itong isa sa apat niyang leading lady sa  spectacular comeback ng GMA telebabad. “Sino naman po ang hindi mai-excite kung natupad ang dream ko na pinakalilihim kong itago sa puso ko,” masayang sabi ni Lovi.

Ang maganda kay Lovi, natural sa kanya ang pagiging sexy. Maganda ang katawan at may karapatan magsuot ng ganoong klaseng outfit. Walang bilbil kang maaaninag sa suot niyang lacy material. Naka-flaunt talaga ang alluring niyang katawan at maliit na waistline.

Walang keber si Lovi kung halos lahat ay nakatitig sa kanya at sinusundan ng tingin ng lahat. Obvious naman stand-out siya sa naggagandahang leading lady ni Chard na sina Solenn, Isabel Oli, Michelle Madrigal, Sam Pinto at mga kontrabidang sina Bianca King, Ellen Adarna, Frencheska Farr at Rhian Ramos, in a cameo role.

Opposite ang personalidad ni Lovi sa character na ginagampanan niya sa action/adventure ng GMA-7. “Maestra po ang role ko dito. Mabait, mahinhin at may sakit sa puso. Laging natutumba at muntik nang mamatay,” turan niya.

“For a change naman po, ibang Lovi Poe ang nakita nila ngayong gabi. I also have a challenge at suwerte kong maka-love team uli o makaabot sa level ng dream leading man ko. Gusto ko rin pong mag-shine. I don’t want them to say na hindi ako nakasabay sa mga kasamahan ko. ‘Yung mapansin  ninyo ang suot ko is enough encouragement. Kung ina-akala nilang magalit ang mga nagmamalasakit sa dad ko, sana huwag na po siyang idamay. Alam kong mauunawaan niya ako. Hindi naman po malaswa ang suot ko, revealing lang po,” dugtong pang pahayag ng actress.

Ikinagulat namin nang sabihin ni Lovi, “I’m free.” “Hindi po dapat na i-misinterpret ang sinabi kong I’m free! Na malaya na ako sa karelasyon ko (Ro-nald Singson na nakakulong sa Hong Kong for a drug case). I also have a career to take care of and a life ahead of me. Ayaw ko pong mag-eleborate dahil baka may masaktan na naman kung iba ang interpretation nila. I discovered na silence is effective para hindi ka ma-judge ng mga taong ayaw sa ‘yo. Basta, looking forward na lang ako sa career ko.

“Somehow, I hope, sumipa talaga ang career ko after this. Gusto kong mabigyan uli ng break with Richard. I have so much to give and I know Chard can help me, Tita Annabelle lalo na.

“As far as my Tito Leo Dominguez (her manager is concerned), wala naman akong major decision na ikasisira ng pagsasama namin as talent-manager. I hope he will continue to guide me and my mom. I hope she will continue to love me,” sey ni Lovi na happy ngayon sa takbo ng kanyang showbiz career.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.