Richard Gutierrez, hahatulan na sa pagbabalik-showbiz

Richard Gutierrez, hahatulan na sa pagbabalik-showbizMamayang gabi na hahatulan si Richard Gutierrez sa muling pagbabalik-showbiz niya after almost two years of absence sa showbiz scenes, na mas pinili niyang maging ama ng anak nila ng girlfriend na si Sarah Labahti na si Zion.

With his comeback tonight via Viva’s “Ang Panday” na mapanonood over TV5, hahatulan si Richard kung matapos ang dalawang taon, keri pa kaya niya ang demands na hinihingi ng showbiz sa kanya, lalo pa’t mas mahirap ang isang pantaserye project kumpara sa isang teleserye.

After watching the advance screening of “Ang Panday” last week, impressive pa rin si Chard para sa amin. Matikas pa rin. Mas maganda ang pangangatawan, na sabi nga ng kanyang Ate Ruffa Gutierrez, “He’s more sexy. More yummy,” panuksong statement ng celebrity mom sa nakababatang kapatid.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.