Richard Gutierrez, goodbye na sa pagkabinata?!

GOODBYE SA pagkabinata kung sakaling totoo ang balitang kumakalat na buntis na diumano ang girlfriend ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.

Kumalat ang balita last week sa pamamagitan ng blind items sa iba’t ibang mga social network na give away, na ang clue ay ang isang young star (take note, hindi aktor huh!) na tila inactive sa kanyang showbiz career at mas gusto ay asikasuhin ang kanyang buhay pag-ibig sa kontrobersiyal na girlfriend.

Maging si Ruffa Gutierrez, nagulat sa balita. Wala pa raw siyang alam dahil noong nakaraang pagkikita nila ng kapatid sa kanilang family vacation, hindi nila ito napag-usapan (ang pagbubuntis ni Sarah) at happy silang magpa-pamilya.

Yesterday (Sunday) early morning habang nage-FB kami, nag-iwan kami ng mensahe sa publicist ni Richard na si Jun Lalin and asked him about the rumoured pregnancy of Sarah. While writing this co-lumn, we got no reply from Jun Lalin.

Kung sabagay,kung totoo mang buntis si Sarah, not bad for Richard dahil nasa marrying age na rin naman siya at doon din naman patutungo ang career niya na ngayon ay halos walang plano ang Kapuso Network sa kanya at ang nabantilawang pelikula nila ni Marian Rivera na My Lady Boss na nag-urong-sulong sa pagpapalabas nito ay isi-showing na rin sa wakas.

 

LINGID SA kaalaman ng marami, habang busy sa mga sosyalan kaliwa’t kanan, nag-aaral pala si Ruffa Gutierrez sa SOFA ng fa- shion design kung saan pangarap niyang maging isang fashion designer.

With Ruffa’s fashion taste at exposure sa fashion world, magandang second career ito sa celebrity host kung saan bagay siya. Aside from fashion ay nag-aral din siya ng pastry baking (on a one on one basis).

Kaya nga excited siya next month (July) where she will be in London to pursue her dream to study overseas.

This summer, she will take up Political Economy sa prestigious King’s College sa London.

Sa pagpapatuloy niya ng kanyang edukasyon sa ibang bansa, maiiwanan ang dalawa niyang dalagitang sina Venice at Lorin sa inang si Anabelle Rama.

“But I want my kids to be with me pero I will have a hard time. But pag settled na ako, I want them to visit me,” sabi ni Ruffa.

Sa kabila ng mga sosyalan sa high society at showbiz, aktibo pa rin siya sa kanyang advocacy for the empowerment of women which for me ay hanga ako at saludo sa kanya.

 

KALOKA! AKALA ko may bago sa Sunday noontime show ng Kapuso Network, ‘yun naman pala, wala. Nagbago lang ng title – from PARTY PILIPINAS to SUNDAY ALL STARS (SAS) but still the same old stuff. Mas naging baduy pa yata ang styling ng mga outfit ng mga performers lalo na ang mga back-up dancers.

Akala ko, mas more creative sila? Akala ko mas bobongga sila compare sa Party Pilipinas? Habang nagtsa-channel surfing ako from GMA-7 to ABS-CBN 2, maikukum-para mo talaga ang dalawang show. Magaling si Mark Bautista sa kanyang opening number. Rakista kung rakista na bagay ang kanyang black leather jacket sa kanyang performance. Si Jennylyn Mercado – oks pala at may boses. Si Jolina Magdangal, parang ang bigat-bigat ng katawan sa kanyang pag-indayog habang si Christian Bautista – humataw sa kanyang rock number, pero naka suite-jacket na asiwa sa kung sino man ang nagbihis sa kanya.

Tama, parang kumpetisyon ng apat na grupo nina Mark, Christian, Jennylyn at Jolina ang bagong show ng Kapuso Network. Tuloy naalala ko ‘yong Saturday Entertainment ni Kuya Germs noon na hataw kung hataw ang iba’t ibang grupo ng mga cast ng daily That’s Entertainment show.

Magaling mag-ilaw at mag-stage design ang ASAP kumpara sa Sunday All Stars. Pati camera shots ng SAS ay passe kumpara sa ASAP. Akala ko magbabago ang Sunday TV viewing habit ko sa pagpasok ng Sunday All Stars, ‘yun naman pala wala.

Hopefully, maka-survive ang SAS sa labanan ng pagalingan at pagandahan ng palabas tuwing Sunday.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

19 thoughts on “Richard Gutierrez, goodbye na sa pagkabinata?!

  1. juice mio pwede naman talagang makabuntis ang mga beki  in fairness…anu ba?  REchard STOP TWETING!

  2. banong-banong umarte ang richard na yan kaya maagang nalaoscean deep hahahahaha! sumama na lang siya kay sarah lahbati kung nasaan man ang talanding babaeng yon

  3. Kala ko maglaladlad narin ng kapa tulad ni Rustom. Yun pala buntis na rin si labatiba. Hoy kalbong Villacorta ayus ayusin mo naman ang titulo ng Column mo. Sasabunutan kita…

    • KAW NAMAN. TAMA NAMAN SYA. GOODBYE NAMAN SA PAGKABINATA, HINDI NAMAN GOODBYE SA PAGKALALAKI. DEVAH?

  4. Ok lang kung soon to be dad na si Richiard of age na naman sya at stable na sa buhay. Ma maganda pa din ang ASAP! ANg nabago lang sa Sunday All Stars eh ngayon they are competing with each other pero sa production value wala pa din! Mas ok pa nga nung Party Pilipinas. Same faces pa din naman. Tapos yung mga big four judges nila na sila na nga lang ang inaasahang magpeperform ng may quality naging jurors pa. I swear mahihirapah silang imaintanin na “competition show” ito. Mauuwi din ito sa sing and dance numbers na lang! Imagine nyo kung halimbawang dalwa tatlo or kahit pa isa ang mawala sa sa isang group ng biglaan tapos narehearse nyo na ng husto ang gagawin nyo di ba ang hirap magadjust where as kung la groupings or competition mas madali lang magadjust s aline up ng production numbers. Ewan ko lang kung tatagal ang show na to. Nothing has really changed! mas liligwak pa ata! mukang minadali talaga!

  5. WELL, MUKHANG TRU NA NGA NA JONTIS SI SARAH LABATI COURTESY OF RICHARD. WALA NAMANG MASAMA, BAT KAILANGAN PANG ITAGO? DEVAH? SA INTERVIEW NGA NI RUFFING, ANG DALI-DALI NAMANG I-DENY EH BAT BEATING AROUND THE BUSH PA ANG LOLA. SUPERCLOSE ANG MAGKAKAPATID KAYA SYEMPRE, ALAM NI MISS WHORELD SECOND PRINCESS ANG TRUTH. DEVAH? AT MAG-AARAL DAW ANG LOLA NG POLITICAL ECONOMY EK-EK SA LONDON. NAGDI-DENY PA ANG LOLA NA WALA RAW SYANG BALAK PUMASOK SA PULITIKA. NAKOH, RUFFING, SASABUNUTAN KITA EH. HAHAHAHA

  6. PUHLEASE lumipat ka na sa GAYBS para maging kontrabida ka ni JLC now na magiging tatay ka na! Hindi na credible na isa kang “matinee idol” parehong pareho na kayo ni Paulo Avelino pilit na pinapackage na single kuno eh may mga anak na kayo noh!

    • True. Paimportante pa yang artista na yan pero sa totoo lang wala na siyang talent, walang appeal, at napaglipasan na. Wala nang nagkakacrush jan or nagnanasa man lang. Puro kasi yabang at negativity ang pamilya kaya iyan, KARMA is a BITCH! HAHAHA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.