Richard Gutierrez & Eugene Domingo: My Funny Valentine!

‘VALENTINE KING OF Philippine Movies’ kung tawagin ngayon ang Kapuso actor na si Richard Gutierrez. Simula noong 2005, siya ang kaisa-isang pinipili ng GMA Films at Regal Films para maging leading man sa kanilang mga Valentine offerings. Nakapares na rin niya ang mga naggagandahang dilag tulad nina Angel Locsin, Marian Rivera at KC Concepcion.

Ngayong taon, apat na babae ang makakapares ni Richard Gutierrez sa love tri-logy flick na My Valentine Girls. Pasok dito ang Kapuso beauties na sina Rhian Ramos, Solenn Heussaff, Lovi Poe at ang one and only Eugene Domingo.

Isa rin naman sa suwerte pagdating sa onscreen partners si Ate Uge. Nakahalikan lang naman niya sa pelikula ang hunkable hunks na sina Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo, Tom Rodriguez, Diether Ocampo, Fabio Ide at ngayon si Papa Richard! Kaloka talaga ang beauty mo, ‘teh!

Dahil mas boto kami sa tambalang Richard-Eugene, s’yempre, sila ang gagawan natin ng pares moment this week!

Ayon sa mga bituin, malaki ang tsansang magkatuluyan ang isang Aquarius at Leo kahit pa marami silang pagkakaiba pagdating sa pag-uugali at personalidad. Magugustuhan ng Aquarius ang pagiging sweet and cuddly ng Leo. Maaaliw naman ang Leo sa pagiging independent at confident ng isang Aquarius. Pareho silang mahilig makihalubilo sa iba’t ibang tao kaya ang madalas na ending ay nakukuha nila ang atensyon ng madla na walang pilit.

Kung susuriin nang mabuti, mas expressive sa kanyang nararamdaman ang Leo kaysa sa Aquarius. Gusto nito na hangga’t maaari ay lagi nilang nakikita ang isa’t isa, pero kung titingnan sa mas mainam na pamamaraan, healthy ito sa isang relasyon dahil maiimpluwensiyahan ng Leo ang Aquarius na mag-open up sa kanyang nararamdaman. Makatutulong din ang Aquarius sa personality ng isang Leo pagdating sa pagiging praktikal sa buhay. ‘Ika nga, give and take ang kalalabasan ng relasyong ito.

Ang babaeng Leo ang mas gagalaw kapag ikinasal sila ng lalaking Aquarius. Kelangan nitong maging extra sweet at cozy sa kasintahan para maintindihan nito na meron silang commitment sa isa’t isa. Hindi maiiwasan na paminsan-minsa’y mas trip ng Aquarius na mapag-isa muna lalo na kung marami itong iniisip. Ang pagtutulungan at pag-iintindi sa isa’t isa ang magiging sandata ng dalawa para tumagal ang kanilang relasyon.

Ayos! Swak na swak naman pala talaga sina Chard at Uge! Ibig sabihin nito, hindi talaga kinakailangan na sila na lang ang nalalabing nilalang sa mundo para magkatuluyan. Paniguradong magiging kuwela at super duper bibo ng pagsasamang ito kapag nagkataon!

EUGENE DOMINGO

Real Name: Eugene Domingo

Birthdate: July 23, 1971

Zodiac Sign: Leo

Symbol: The Lion

Ruling Planet: Sun

Quality: Fixed

Element: Fire

Basic Trait: I Will

Closest Metal: Gold

Lucky Day: Sunday

RICHARD GUTIERREZ

Real Name: Richard Kristian Rama Gutierrez

Birthdate: January 21, 1984

Zodiac Sign: Aquarius

Symbol: The Water Bearer

Ruling Planet: Uranus

Quality: Fixed

Element: Air

Basic Trait: I Know

Closest Metal: Aluminum and Uranium

Lucky Day: Saturday

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

loading...

One thought on “Richard Gutierrez & Eugene Domingo: My Funny Valentine!

  1. Pingback: Tweets that mention Richard Gutierrez & Eugene Domingo: My Funny Valentine! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.