Richard Gutierrez endorses new cologne for Bench

BALIK SAYA NA NAMAN ang pamilya Gutierrez sa launching ni Richard ng kanyang bagong ini-endorsong produkto, ang “Gutz and Glory.” Bagong pabango pala ito na nilikha ng Bench para kay Richard.

More action, less words ang ipinamalas ng binata nina Eddie at Annabelle nang gabing iyon. “Lakas ng loob,” ‘ika niya, at tagumpay ang katumbas ng mga pabangong tatangkilikin, hindi lamang ng kanyang mga tagahanga, kundi ng lahat ng mayroong lakas ng loob sa bawa’t ambisyon nila at magtagumpay pagkatapos.

“When you are up there, share your glory!” Pahabol pa niya. At ito ang isang kaugaliang naghahari sa kanilang pamilya mula’t mula pa at minana nila sa kanilang mga magulang.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.